Karen kikilalanin ang kaherang yumaman sa buko pandan
MANILA, Philippines - Ibabahagi ni Karen Davila ang kuwento kung paano lumago ang negosÂyong frozen buko pandan salad ni Nelly Co na nagsimula lang sa kanyang garahe at ngayo’y may bakeshop, restaurant, at factory na.
Sa My Puhunan ng ABS-CBN ngayong Miyerkules (Feb. 19), tunghaÂyan ang pagsisimula ng Nathaniel’s Food Corporation sa kamay ng dating kahera at maybahay na si Nelly.
Dalawang libong piso lang ang ipinuhunan ni Nelly sa negosyo noong 1994 na nagpasikat sa ngayo’y tinatawag nang “Pampanga’s famous buko pandan salad†pero isa na siyang certified multi-millionaire. Araw-araw, 500 kahon ng frozen buko pandan salad ang nagagawa nila. Ang kanilang restaurant naman, may 10 branches na at naghahain ng iba’t ibang uri ng pang-meryenda, kakanin, at rice meals.
- Latest