^

PSN Showbiz

Marian at Edu namigay ng bangka!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbiyahe kahapon si GMA Primetime Queen Marian Rivera sa Bantayan Island, Cebu para ipamigay na ang mga bangkang naipon nila sa Kapuso-adopt-A-Bangka Pro­ject.

Balikan lang ang naging biyahe ni Marian para sa distribution ng mga Bangka sa Northern Cebu. Umalis siya ng umaga at kinahapunan, bumalik din ng Maynila.

“Isang buwan pa lang ang nakaraan, ganito na kalayo ang ating narating. Nakakataba ng puso ang mainit na pagsuporta na ating natanggap mula sa donors and sponsors.

“Maraming salamat po sa lahat na nakibahagi sa proyektong ito. Sa mga nais pang tumulong, bumisita lamang kayo sa www.kapusoadoptabangkapjoject.blogspot.com

Help is hope. Let’s be one-at-heart with our Kapusong Cebuanos,” sabi ni Marian sa Instagram na dumiretso sa Bantayan Island pagka­galing ng taping ng Carmela.

Speaking of Bangka, naipamigay na rin ni Mr. Edu Manzano ang mga bangkang nakalap din niya at ng Rotary Club of Makati South para naman sa mga taga-Concepcion Iloilo, ang lugar kung saan lumaki ang actor-TV host.

Ginanap ang turn-over sa Adopt - A - Fisherman Program na nataon noong Araw ng mga Puso.

Umabot sa 200 boats ang naipamigay ni Edu sa qualified fishermen.

Plano ng programang Adopt - A - Fisherman Program na makapamigay ng 2,500 boats para sa mga mangingisda sa Concepcion, Iloilo.

Magkaibang lugar ang pinagbigyan nila, si Ma­rian sa Cebu at si Edu sa Iloilo, kaya tiyak na ma­laki ang maitutulong nito para sa mga kababayan natin sa mga nasabing lugar na kasama sa mga winasak na bagyong Yolanda.

At least sila, hindi lang pang-press release ang tulong na ginagawa. May ebidensiya.

Mismong pari kasi sa isang simbahan sa Project 8 (Mother of Perpetual Help Church) na mahigit dalawang buwang namalagi sa Tacloban ang nagpahayag sa kanyang Homily last Sunday  ng kalungkutan dahil wala siyang nakikitang tulong sa Tacloban, lahat lang daw press release ang mga sinasabing tulong sa mga sinalanta ng bagyo. Nagsusumamo nga siya sa mga dumalo sa nasabing mass na sana naman daw ay isama sa dasal ang mga kawawang biktima at makara­ting ang tulong sa mga tagaroon. May ilan-ilan naman daw na tulong, pero kulang na kulang pa.

A-BANGKA PRO

BANTAYAN ISLAND

CEBU

CONCEPCION ILOILO

EDU

FISHERMAN PROGRAM

ILOILO

KAPUSONG CEBUANOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with