‘Child star’ nagbalikbayan
Kung ang henerasyon ngayon ang tatanungin, wala silang alam kung sino si Tessie Agana. Kung sina Vilma Santos, Gina Alajar, Niño Muhlach, Snooky Serna, Maricel Soriano, Judy Ann Santos, Matet, Aiza Seguerra, at maraming iba pa ay nagsimula sa pagiging child stars, ganun din si Tessie na siyang original star ng pelikulang Roberta na kanyang ginawa sa ilalim ng Sampaquita Pictures in 1951 na naging box-office hit. Dahil sa lakas ng pelikula, ito ang nakatulong na muling makabaÂngong ang Sampaguita Pictures na nasunog noon.
Si Tessie ay anak ng dating aktres na si Linda Estrella at Dr. Adriano Agana. At the prime of her career, naging aktibo si Tessie mula 1949 hanggang 1960. Bukod sa Roberta, ang ilan pa niyang nagawang pelikula ay ang 13 Hakbang, Ang Ganda Mo, Neneng, Anghel at Pag-ibig, Ang Prinsesa at ang Pulubi, Rebecca, Kerubin, Kung Ako’y Maging Dalaga, at maraming iba pa.
Fourteen years old si Tessie nang mag-migrate sa Amerika ang kanyang pamilya. Sa America na rin niya nakilala ang kanyang mister na isa ring doctor, si Dr. Rodolfo Jao. They got married in 1962 na nakilala niya sa isang medical convention sa Chicago, Illinois. Ang mag-asawa ay may siyam na anak at isa rito, si Rodney, ay nakagawa ng Hollywood movie, ang Melvin Goes to Dinner in 2003.
Ang balikbayang si Tessie Agana, now 70 years old, ay makakasama namin ni German “Kuya Germs†Moreno sa aming Celebrity Talk segment ng Walang Tulugan with Master Showman on GMA sa darating na Sabado (Feb. 22) ng madaÂling araw. Two Saturdays ago ay nakasama naman namin ni Kuya Germs ang dating child star na si Snooky sa programa.
Bukod kay Tessie Agana, makakasama rin namin sa isa pang episode ng Celebrity Talk ang isa pang balikbayan (from New York, USA), ang dating beauty queen-singer-actress na si Rachelle Anne Wolfe, ang nakababatang kapatid ng jazz singer na si Richard Merk, mga anak ng jazz queen na si Annie Brazil. Ang isa pa nilang kapatid na si Ronnel Wolfe ay dating miyembro ng Octo Maneuvers all-male dance group.
Vhong at PDAF issue ni Matt tinututukan
Kung malayo pa ang tatakbuhin ng kasong kinasasangkutan nina Denice Cornejo, Cedric Lee, at iba pa na may kinalaman sa pambubugbog sa dancer-turned TV host-comedian na si Vhong Navarro, nag-surface naman ang pangalan ng aktor na si Matt Ranillo III na may kinalaman sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam kung saan nadidiin ang pangalan ng isang mambabatas. Ipina-subpoena ng senado ang ama ni Krista Ranillo na naka-base na rin sa Amerika na may koneksiyon umano sa tinaguriang Pork Barrel Scam Queen na si Ginang Janet Lim-Napoles. Mahaba-haba pa ang proseso ng imbestigasyon at tiyak na may iba pang mga pangalang maglulutangan.
Ang pork barrel scam at kaso ni Vhong Navarro ay dalawang maiinit na isyu na tinututukan ngayon ng publiko.
- Latest