^

PSN Showbiz

Piolo nakapagpabilib uli

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Malaking bentahe kay Piolo Pascual ang success ng Starting Over Again. Napatunayan niyang muli na kaya niyang magdala ng pelikula. For a time kasi ay marami ang naniwalang tapos na ang panahon niya pero sa rami ng nanonood ng pelikula at halos lahat ay humahanga sa acting niya, it is easy to conclude na tamang proyekto lang pala ang kailangan niya at tamang kapareha.

Na-inspire ako na panoorin ang movie dahil sabi ng kaibigang si Veronica Samio ay ayaw niya ng ending pero okay sa akin ang ending, kakaiba.

At huli na nang ma-realize rin ni Vero na maganda nga pala ang naging ending. Old-fashioned lang siya.                                    

Kris naimpluwensiyahan ng bagong inspirasyon

 Kung sinuman ang bagong lalaki sa buhay ng presidential sister na si Kris Aquino, tila na­ging magandang impluwensiya siya sa magaling na TV host. The mere fact na binati na nito ang kanyang ex-dyowa na si James Yap ay isang malaking step from her usual na walang pakialam dito.

Nakatutuwang malaman na hindi lamang naman pala kay Bimby Yap, Jr. concerned kundi maging sa panganay ni Kris na si Joshua Aquino ang mahusay na basketbolista.

Speaking of Joshua, nakatutuwa na malaman din na appreciated ni Phillip Salvador ang ginagawang pagpapa­laki sa kanilang anak ni Kris na sinasabi niyang kamukhang-kamukha ng kapa­tid nito sa kanyang asawang si Emma Ledesma.

I just hope na maaapektuhan din ng maganda ang relasyon ni Josh kay Phillip.

Aljur kayang bumirit

 Maganda rin pala ang boses ni Aljur Abrenica and he remains to be one of the handsomest on TV. Una siyang narinig na kumanta ng isang kaibigan sa Sunday All Stars na kung saan ay nanalo ang grupo niya pero sa guesting niya sa Walang Tulugan with Master Showman nung Sabado ko nakita na hindi naman siya basta-basta kumakanta. Talagang may boses siya at bumibirit siya! Ewan ko lang kung paano niya napangatawanan ang isang concert niya sa Music Museum pero kung nagagawa niyang ku­manta nang magkakasunod ng hindi na­aapektuhan ang boses niya’t pagkanta, aba, pakantahin pa siya!

Bukod sa guwapo, isa rin si Aljur sa pinaka-nice na artista sa TV at palaging may good words sa mga nakakasama niya. Kaya hindi siya nawawalan ng project. Katatapos lang nila ni Kris Bernal sa isang serye pero heto at kasama na naman siya sa Kambal Sirena na tatampukan ni Louise delos Reyes at mapapanood na sa buwan ng Marso.

 

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BIMBY YAP

EMMA LEDESMA

JAMES YAP

JOSHUA AQUINO

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with