Vhong sinorpresa si Anne
Kahapon ay nagdiwang ng kanyang 29th birthday si Anne Curtis sa prograÂmang It’s Showtime. Sinorpresa ang aktres ni Vhong Navarro sa pagbibigay ng mensahe sa pamamagitan ng isang live phone-patch interview. Humingi ng paumanhin ang aktor dahil hindi nakapunta sa party ni Anne noong Linggo.
“Anne, pasensiya ka na kung hindi ako nakapunta sa birthday mo, sa party mo. Kung wala man ako do’n sa party mo, sa puso ko nandito ka naman lagi,†mensahe ni Vhong.
Naiintindihan naman daw ni Anne ang komedyante lalo pa’t may pinagdadaanan ito ngayon.
“Miss na miss ka na namin dito. We can’t wait na bumalik ka. Pero okay na sa akin na bumati ka. Very special, ngayon lang namin narinig boses mo ulit dito sa Showtime. Naiintindihan ko naman kung bakit wala ka basta mahalaga safe ka riyan,†sagot naman ni Anne kay Vhong.
“Huwag kang mag-alala Anne, kung hindi man ako nakapunta diyan para batiin ka ng live, mamaya pag-uwi mo sa condo mo, nando’n na ako. Kung gusto n’yo naman ako dalawin, nasa safe house naman ako, nakatira ako ngayon sa condo ni Ryan (Bang). Safe na safe po ako sa condo ni Ryan, ibibigay ko po ’yung address, puntahan n’yo ako,†pabirong pahayag ni Vhong.
Umaasa rin ang aktor na muli siyang maÂkababalik sa programa kapag naayos na ang problemang kinakaharap sa ngayon.
Toni sulit ang 13 years na ipinaghintay kay Piolo
Isang linggo na ngayong palabas sa mga sinehan ang pelikulang Starting Over Again na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga. Mahigit 200 milyong piso na ang kinita ng nasabing proyekto kaya naman abut-abot ang pasasalamat ng mga bida nito sa lahat ng tumangkilik sa kanilang kauna-unahang pagtatambal sa pelikula.
“Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat. This movie was worth 13 years of waiting. God’s perfect time is always the best. Thank you everyone for being brave enough to appreciate what our film has to offer. You made our first movie ni Piolo my most unforgettable film ever,†pahayag ni Toni.
“Thank you very much for believing and extending your support to Star Cinema and everyone who’s part of this project. We’re all humbled by your love, and as we celebrate Valentine’s, may we continue to spread love and harbor good feelings towards everyone,†pahayag naman ni Piolo.
Samantala, lumipad papuntang Amerika sina Piolo at Toni para sa premiere ng StarÂting Over Again sa Fox Theater sa California. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest