^

PSN Showbiz

Carla hindi nai-date ni Geoff sa sobrang busy

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi na ako nagpunta kahapon sa birthday lunch ni Sen. Jinggoy Estrada sa Senado dahil mas­yadong malayo ang Maynila para sa akin. Sunday night na kasi nang matanggap ko ang imbitasyon.

Pumunta na lang ako kahapon sa presscon ng Third Eye ng Regal Entertainment, Inc.

Starring sa Third Eye sina Carla Abellana, Ejay Falcon, Camille Prats, Alex Medina, at Denise Laurel.

Kamukhang-kamukha pala si Denise ng kanyang Lola Celia Diaz-Laurel.

Ang sey ni Denise, na-miss niya ang entertainment press dahil matagal-tagal na rin mula nang makadalo siya sa isang presscon.

Blooming ang singer-actress dahil maligaya siya sa kanyang love life. Engaged na sila ng boyfriend niya pero wala pa sa kanilang mga plano ang magpakasal.

Hindi magkasama sina Carla at Geoff Eigenmann noong Valentine’s Day.

May taping si Geoff para sa Adarna ng GMA 7 kaya hindi sila nakapag-date ni Carla.

Wala na halos pahinga si Geoff dahil sa Adarna na malapit nang matapos at papalitan ng Kambal Sirena.   

Anne kumayod kahit birthday

Maagang natapos ang presscon ng Third Eye kaya maaga akong nagpunta sa Thanksgiving presscon ni Anne Curtis.

Tinapos muna ni Anne ang It’s Showtime bago siya umapir sa Thanksging presscon na malapit lang sa ABS-CBN ang venue.

Working birthday si Anne kahapon. Tinalbugan niya si Heart Evangelista na talagang nagpunta sa Hong Kong noong birthday niya at hindi nag-report sa Startalk at Sunday All Stars.

Sandra Bullock bokya, pero pelikula humakot ng awards

Best picture winner sa 67th British Academy Film Awards (BAFTA) ang 12 Years a Slave ni Steve McQueen pero hindi ito ang nagwagi ng best director award na napanalunan ni Alfonso Cuarón para sa Gravity. Humakot ng awards ang pelikula na pinagbidahan ni Sandra Bullock na luhaan na umuwi.

Best supporting actress winner si Jennifer Lawrence  (American Hustle) at best actor si Chiwetel Ejiofor, ang lead actor ng 12 Years a Slave. Ginanap noong Linggo sa London, England ang awards night ng BAFTA at narito ang complete list ng mga nagwagi:

Best Film: 12 Years a Slave

Best Director: Alfonso Cuarón, Gravity

Best Actor: Chiwetel Ejiofor, 12 Years a Slave

Best Actress: Cate Blanchett, Blue Jasmine

Best Supporting Actor: Barkhad Abdi, Captain Phillips

Best Supporting Actress: Jennifer Lawrence, American Hustle

Best British Film: Gravity

Best Debut By a British Writer, Director or Producer: Kieran Evans

Best Original Screenplay: American Hustle

Best Adapted Screenplay: Philomena

Best Film Not In the English Language: The Great Beauty

Best Documentary: The Act of Killing

Best Original Film Score: Gravity

Best Cinematography: Gravity

Best Editing: Rush

Best Sound: Gravity

Best Animated Film: Frozen

Best Visual Effects: Gravity

Best Makeup and Hair: American Hustle

Best Production Design: The Great Gatsby

Best Costumes: The Great Gatsby

Best Short Film: Room 8

Best Animated Short: Sleeping With The Fishes

BAFTA Rising Star Award: Will Poulter

 

ACT OF KILLING

ADARNA

ALFONSO CUAR

AMERICAN HUSTLE

BEST

CHIWETEL EJIOFOR

GREAT GATSBY

JENNIFER LAWRENCE

SANDRA BULLOCK

THIRD EYE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with