^

PSN Showbiz

Nora Aunor nakakakanta na ng mas maganda!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko o hindi pero paano nakakanta si Nora Aunor sa Walang Tulugan with Master Showman ni German “Kuya Germs” Moreno eh ’di ba hindi pa siya nao­­o­perahan? Kung puwede pala siyang kumanta nang hindi na siya dadaan sa anumang klase ng ope­rasyon eh buhay na naman pala ang kanyang si­nging career. Ke lip synch ’yun o live, although I’d like to believe na hindi siya sasabak sa kantahan for the very first time after her much controversial case with a Japan-based cosmetics company na siyang dahilan ng pagkawala ng kanyang boses, kung hindi pa siya okay. And, mind you, mas maganda pa ang boses niya ngayon, kumapal pa at mas nagkaro’n ng timbre, isang indikasyon na magaling na talaga siya o kaya naman ay napakahusay nang gumawa ng kanyang recording.

Iyak nang iyak si Kuya Germs dahil reunion nila ’yun ng Superstar matapos ang ilang panahon na hindi sila nagkikita’t nagkakasama. Dinalaw na siya mismo ni Nora eh kumanta pa! Kumpleto na ang selebrasyon niya ng kanyang ika-18 taong anibersaryo ng Walang Tulugan with Master Showman.

Kakaibang Heart’s Day ng matatanda

Ilan kaming mga entertainment writer ang nagkaro’n ng kakaibang Valentine’s Day celebration kapiling ang mga lolo’t lola natin at ang marami pang senior citizens ng Bistekville, isang magandang lugar sa Quezon City na kung saan ay na-relocate ang maraming urban settlers mula sa kanilang dating tinitirhang squatter.

Isang malaking grupo ng mga supporters ni QC Mayor Herbert Bautista ang nagplano na magbigay ng kasiyahan sa mga taga-Bistekville sa pamama­gitan ng isang musical show na dun mismo ginanap sa loob ng village. Kasama sa mga nag-perform sina Dulce, Jimmy Bondoc, Michael Pangilinan, Willy Jomes, AJ Tamiza, at Le Chazz. Habang nanonood ay hawak ng lahat ng senior citizens ang isang tangkay na rosas na kaloob sa kanila ng mga orga­nizer. Meron ding dinner na pinagsasaluhan sila habang pinanonood ang musical program emceed by Jobert Sucaldito.

Nagawa ring isingit ni Mayor Bistek sa kanyang napakahigpit na schedule ang pagdating sa Bistekville para sumandaling makasama ang mga tagaroon na malaki ang pasasalamat sa kanya dahilan sa magandang lugar na pinag­lagyan sa kanila.

Kaming mga movie writer had a wonderful Valentine evening listening to Dulce belting out those beautiful Visayan love songs. Wala pa ring kupas ang Cebuana singer na sa haba ng panahon niyang kumakanta ay napakagaling pa ring performer.

BISTEKVILLE

JIMMY BONDOC

JOBERT SUCALDITO

KAKAIBANG HEART

KUYA GERMS

LE CHAZZ

MASTER SHOWMAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with