Luis OA maglambing kay Angel
Panay ang display ng pagmamahal ni Luis Manzano kay Angel Locsin. Kahit saan sila at kahit sa harap ng maraming tao, hindi nahihiyang lambing-lambingin ang aktres.
O, akala ko ba hindi pa sila? So para saan ’yung PDA (public display of affection) nila? Paano kung sila na nga eh di mas sweet pa sila? Baka naman langgamin na sila.
Umayos nga kayong dalawa. Hindi na kayo mga bagets para umarte ng hindi tama. Ibigay n’yo na ’yang mga ganyang katsipan sa mga bata. Act your age.
Pinoy skater lalaban pa sa Bulgaria
May mararating talaga itong lone contender natin sa Winter Olympics na ginanap sa Sochi, Russia sa figure skating na si Christian Michael Martinez. Hindi kasi siya disappointed sa kanyang 19th position sa ginanap na sports event dahil tutuloy siya ng Bulgaria para dun naman sumali sa World Junior Figure Skating na magaganap sa Marso 10.
Good luck, lad. Meron ka talagang mararating dahil determinado ka. The country is proud of you!
Kris sinasarili ang bagong lalaki sa buhay
Tama lang ’yan Kris (Aquino) na hindi mo muna ipinamamalita ang latest suitor mo para hindi maudlot at mabantilawan. Mahirap kasi ’yung nauunahan ng publisidad. Kung pribado ang lalaki, nawawalan ng interes, nababakya. Siyempre ayaw nila ng ganun.
Kaya Kris, keep him to yourself muna. Saka mo na lang siya i-share sa publiko kapag okay na okay na kayo.
- Latest