Jackpot na jackpot kahit maganda at matalino, GF ni James nadadala kahit sa turo-turo
Wow, jackpot na jackpot pala si James Yap sa kanyang girlfriend (at mapapangasawa na ba?) na Italyanang si Michela Cazzola!
Maganda at matalino na, mabait at simple lang ang blonde GF ni James base sa exclusive interview ni Tito Ricky Lo na lumaÂbas sa Philippine Star at Startalk (GMA 7).
“Marunong makisama. Kahit saan mo dalhin ‘yan, maski sa turu-turo, game ‘yan. ‘Yon ang pinakamaganda sa isang relationship, na puwede mong dalhin kahit saan. At pinaka-importante sa isang relationship ’yung nagkakasundo kayo at masaya kayo. May tawanan, may biruan,†sabi ni James nang tanungin siya kung ano ang pinakaÂgusto niya sa girlfriend na limang taon na palang nagtatrabaho sa bansa bilang adviser (diplomat) sa Asian Development Bank (ADB) at graduate ng isang university sa Italy.
Nang tanungin si James tungkol sa kasal, sagot ng basketbolistang pambato ng San Mig, “It will come. Nandyan lang ‘yan.â€
Kasama raw sa mga plano nila ngayon ay ang mag-travel. Enjoy daw silang magkasama.
At wala rin silang hindi pinagkakasunduan.
“But I think the main thing is that we are both quiet. We love to stay home. I could never stay with a boy who is out all the time. We are not the party-going type,†sabi naman ni Michela.
Type rin nilang tumambay sa park.
“Aside from shopping? We love to sit in the park or in the plaza and just relax, watch people go by,†dagdag pa ng Italian.
Madali rin palang nagustuhan ng mga magulang ng GF ang basketbolista na may hawig kay Jennylyn Mercado nang bumisita sila sa Italy.
“Oh, they instantly liked him; they easily became fond of him. My mom cooked Italian food for him. My dad is retired and my mom is still working,†sabi pa ni Michela na nag-iisang anak pala.
Nagpunta na sila ng probinsiya ni James at nag-enjoy din ang posibleng maging misis ng ex-hubby ni Kris Aquino.
Tanong ni Tito Ricky, selosa ba si Michela?
“No, I’m not! I’m not jealous of other people; I just want the attention to be on me.â€
Walang duda na true love talaga ang nararamdaman nila.
Jericho at Andi sumakto sa throwback movie
Kung pagbabasehan ang masiglang reaksiyon ng mga nakapanood ng special preview ng ABNKKBSNPLAko?! (Aba Nakakabasa Na Pala Ako?!) sa UP Cine Adarna kamakailan, nakasisiguro na ang Viva Films at MVP Pictures ng pelikulang tatabo sa takilya oras na magbukas ito sa mga sinehan sa Feb. 19.
Bukod kasi sa mahusay na pagganap ng main characters na sina Jericho Rosales (bilang Roberto Ong), Vandolph (bilang best friend ni Roberto na si Ulo), Meg ImpeÂrial (bilang Portia, ang tomboy na kababata’t kabarkada nina Roberto at Ulo), siguradong maraming makaka-relate sa mga kalokohang binalikan ng tatlo nung elementary at high school days nila.
Nariyang nagka-cutting class sila para lang manood ng sine o maglaro sa arcade, nagka-cram para sa mga school project, nakikipag-deal sa mga terror na teacher, at kung anu-ano pa.
Bagay na bagay din sina Echo at Andi Eigenmann (ang Special Someone ni Roberto) bilang starcrossed lovebirds. In fairness, mukha talaga silang high school students sa screen.
Hindi pa pinag-uusapan dito ang fact na click na click sa publiko ang mga patutsada ng sikat na humorist/author na si Bob Ong na ang libro niya na may parehong title ang pinagbasehan ng proyekto ha?
Aliw din ang mga nakapanood sa klase ng throwback sa pelikula pati ang musical score na ginamit ay pawang classics gaya ng High School Life ni Sharon Cuneta, On the Right Track ni Martin Nievera, at marami pang iba.
Pati nga ang larong Flames, isang love/crush game na usung-usong nung dekada 80, binuhay ng ABNKKBSNPLAko?!
Mula sa direksiyon ni Mark Meiley at panulat ni Ned Trespeces, hindi nalalayo ang ABNKKBSNPLAko?!: The Movie sa hinangaang libro ni Ong dahil isa itong lighthearted coming-of-age-and-beyond drama-comedy tungkol sa isang grupo ng magkakaibigang nagkahiwalay at muling pinagtagpo ng panahon.
- Latest