^

PSN Showbiz

Sen. Bong hindi na nadadawit ang pangalan sa PDAF scam

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Nung January 20 nag-privilege speech si Sen. Ramon `Bong’ Revilla, Jr. at dalawang araw pi­nag-usapan ang kanyang mga pasabog sa senado. Pero agad itong natabunan nang lumabas ang pam­bubugbog sa dancer-TV host-comedian na si Vhong Navarro ng grupo ng negosyanteng si Cedric Lee na nangyari nung Jan. 22 ng gabi.

Hanggang ngayon ay top story pa rin ang bugbugang issue kay Vhong lalupa’t tuluy-tuloy ang gi­nagawang imbestigasyon na may kinalaman sa kaso kung saan sangkot din si Denice Cornejo na ina­akusahang kasabwat ni Cedric Lee at ng kanyang mga kasama.

Pero ang kay Bong ay hindi nagpa-uusapan at mas naka-focus ngayon ang imbestigasyon kina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Enrile.

Star Cinema tagumpay sa pagsugal sa mga loveteam

Sumusugal talaga ang ABS-CBN at Star Cinema sa mga love teams, sa kalaunan ay hindi sila dumi-depende lamang sa loveteams dahil ipinapareha rin nila ang kanilang mga stars sa ibang arista para hindi nga naman pagsawaan.

Naging matagumpay ang tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, Kim Chiu at Gerald Anderson, Piolo Pascual at Judy Ann Santos at maraming iba pa pero binabasag din nila ang tambalan para ipareha sa iba. Sina Piolo, John Lloyd, Gerald, at iba pa na napareha na sa iba’t ibang leading-lady ay ilan lamang sa mga in-demand leading men. Mainit ngayon ang tambalan nina Daniel Padilla at Katryn Bernardo. Sooner or later, hindi ma­la­­yong i-pareha rin sila sa iba. Kahit naman nung kapanahunan ng love team nina Guy and Pip (Nora Aunor and Tirso Cruz III) at Vi and Bot (Vilma Santos at Edgar Mortiz) ay maraming beses silang ipinareha  sa iba hanggang sa tuluyan na silang nakatayo on their own without banking sa kanilang love team.

BEA ALONZO

CEDRIC LEE

DANIEL PADILLA

DENICE CORNEJO

EDGAR MORTIZ

GERALD ANDERSON

GUY AND PIP

JINGGOY ESTRADA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with