Mga nanood ng concert nakiiyak kay Regine
MANILA, Philippines - Mas magaling na Regine Velasquez ang bumirit sa Voices of Love concert nila ni Martin Nievera last Valentine’s Day sa MOA Arena. Hindi mo mababakas sa kanyang hitsura na kamamatay lang ng amang si Mang Gerry except sa ilan niyang kanta kung saan hindi niya talaga mapigilan ang maluha. Kaya naman pati audience ay nakikiiyak din.
Sa umpisa ng show ay kalma lang si Regine na parang kasama pa ang humulma sa pagiging magaÂling na singer niya.
Pero kahit anong tago ng Songbird, hindi niya napigilang maiyak. Buti na lang at talagang nakaalalay si Martin. Pag alam niyang bibigay na si Regine sa kanta, nakahanda na si Martin na saluhin si Regine lalo na nang kantahin niya ang Leader of the Band na theme song ni Mang Gerry. Nakakaisang linya pa lang si Regine, umiyak na siya. Nauna nang sinabi ni Regine na hindi niya ito kakantahin pero nakasama sa mga kinanta nila pero hindi na niya natapos dahil nga naiyak na siya nang husto.
Pero sa kabuuan masaya na ang mood ni Regine at mas maganda ang boses.
Nakapitong palit siya ng gown. Combination of old and new lovesongs ang kinanta nila ni Martin na na-enjoy ng mga nanood.
Napuno ang MOA Arena at maraming celebrity ang nanood kasama na sina dating Sen. Kiko Pangilinan and megastar Sharon Cuneta na nag-sample pa ng kanta, ang mag-asawang Richard and Lucy Gomez, Erik Santos at Angeline Quinto na balitang mag-dyowa na at si Arnell Pineda na pinakanta rin nina Martin at Regine.
At dahil wala kaming idea, hindi namin alam kung sino sa magagandang babae na pina-flash sa screen ang girlfriend ni Martin.
Kris nag-happy-birthday kay James: Peace, harmony & God blessings to you
Matapos ipagtanggol sa game fixing, binati naman kahapon ni Kris Aquino ang ex husband niyang si James Yap ng happy birthday kahapon. “Happy Birthday James. Peace, harmony & God blessings to you… I am a Mom who has learned to set aside past hurts & I’ve learned how to move on w/ God’s grace because I want my sons to be well adjusted & positive. And that starts w/ my example. #peace #maturityâ€
Maraming nagugulat kay Kris lately dahil nga ‘bumait ‘na siya sa dating asawa. Matatandaan na nag-file kamakailan ng PPO si Kris para hindi sila malapitang mag-ina ni James. Ang PPO na iniharap ni Kris para hindi siya malapitan lang ng ex hubby ang pinaboran ng korte.
Kaya’t pag kasama nito ang anak na si Bimby kahit binigyan ang basketbolista ng visitation rights, hindi rin makalapit.
Maging ang yayas, maids and guard daw ay sakop ng PPO kaya hindi puwede si James. Pero kahapon nga ay nakasama ng basketbolista si James at kasama pa si Joshua matapos payagan ni Kris.
Tanong nila, hanggang kailan ang maturity ni Kris? Magtutuluy-tuloy na kaya ang pakikipag-ayos niya kay James?
- Latest