^

PSN Showbiz

Mga walang dyowa naging masaya rin sa VD

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Maganda ba ng Valentine’s Day n’yo? Did you spend it with your sweetheart, family member, or a friend? Kahit sino naman ang nakasama mo, basta masaya ka ay okay na, ‘di ba? Ang mahalaga, may minamahal ka at may nagmamahal din sa iyo.

Ayaw kong isipin kung gaano kalungkot ang araw para sa mga walang karelasyon. Pero marami rin naman akong kakilala na single, pero masaya. Parang fulfilled sila sa matagumpay nilang karera kaysa sa piling ng isang kapareha. Kaya nga kahit zero ang love life nila, hindi sila malungkot. Marami namang paraan para tayo maging masaya at kumpleto. Kailangan lamang ay matuklasan natin kung ano ang magpapasaya sa atin.

Pagkamatay ni Roy hindi na kailangan pang tanungin

Marami ang nagtatanong kung bakit inatake sa puso ang aktor na si Roy Alvarez eh, vegetarian daw ito. Baka naman ‘yun na ang nakatakda sa kanya. He has reached the end of his line. Sa halip na magtaka ay ipagdasal na lamang natin ang kanyang kaluluwa, para mapunta siya sa lugar na kung saan ay walang problema siyang kakaharapin. Nakikiramay ako sa mga naiwan niya.

Rayver at Cristine nagkaayos na nga ba?

Nagkabalikan ba sina Rayver Cruz at Cristine Reyes? Kung sakali eh ‘di mabuti. Wala pa naman silang sabit. Matapos silang maghiwalay ay hindi pa naman sila nagkakaroon ng bagong karelasyon. ‘Yung kay Cristine with De­rek Ramsay ay shortlived. Hindi nagtagal. At namintina naman ng dalawa ang pagiging magkaibigan nila. ‘Yung paglabas-labas nila ay bilang friends lang. Buti pa sila, nagkahiwalay na ay magkaibigan pa rin. Dapat silang pamarisan ng maraming magkakarelasyon na naghiwalay at magkaaway.

 

vuukle comment

AYAW

BUTI

CRISTINE

CRISTINE REYES

DAPAT

MARAMI

RAYVER CRUZ

ROY ALVAREZ

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with