^

PSN Showbiz

Jose at Eugene on na?

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kilig-kiligan ang drama sa Celebrity Bluff mamayang gabi dahil ipapakita  ang date nina Jose Manalo at Eugene Domingo na kung saan sini­lebrayt nila ang birthday ni Jose at Valentine’s Day na rin.

Maglalaban din para sa kalahating milyon pisong jackpot ang mga showbiz couple na sina Christopher Roxas at Gladys Reyes, Alvin Aragon at Izzy Tirazona, at Gardo Versoza at ang asawa niyang si Ivy.

PAK: Pinagdudahang sadya ‘yung wardrobe malfunction na nangyari sa concert nina Rufa Mae Quinto at Gladys Guevarra na No Husband, No Lover sa Music Museum nung nakaraang Huwebes.

Habang kumakanta si Rufa Mae na lumilipat-lipat sa may kama, sa sofa, at sa bathtub, biglang lumitaw ang kaliwang bahagi ng boobs niya pero naka-nipple tape naman ito.

Parang sinadya raw para mapag-usapan lang dahil hindi gaanong napuno ang venue.

BOOM: Ngayong araw ang mismong kaarawan ni James Yap at excited ito dahil makakasama niya ang anak na si Bimby pati si Joshua na close rin sa basketbolista.

“Parang ito ‘yung first time ko na makasama ang anak ko sa mismong birthday ko, mula nung magkahiwalay kami. Matagal ko na ring hindi nakikita ang anak ko eh,” masayang pahayag ni James.

Tuwang-tuwa pa siya dahil kasama si Joshua na napamahal na rin daw sa kanya.

“Siyempre, excited din ako kay Josh dahil siyempre lumaki rin siya sa akin ilang years din ‘yun.

 â€œNakita ko sa pictures payat na siya, sobrang sweet din ng batang ‘yan,” sabi pa ni James.

Abangan ang exclusive interview ng Startalk kay James bukas.

                                                                

ALVIN ARAGON

CELEBRITY BLUFF

CHRISTOPHER ROXAS

EUGENE DOMINGO

GARDO VERSOZA

GLADYS GUEVARRA

GLADYS REYES

IZZY TIRAZONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with