^

PSN Showbiz

Halikan nina Cedric at Deniece pinagpipiyestahan

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Lumitaw ang kissing video nina Cedric Lee at Deniece Cornejo noong Huwebes, isang araw bago ang preliminary investigation kahapon ng mga kaso ni Vhong Navarro laban sa kanila.

Nagkataon o sinadya?

SCENE : Gaya ng lawyer ni Deniece Cornejo na si Atty. Howard Calleja, biktima na rin ng bashing si Atty. Raymund Fortun dahil sa pagtatanggol kay Cedric Lee.

Si Fortun ang spokesperson ni Lee.

SCENE: Dinagdagan ang mga sinehan na pinagtatanghalan  ng Starting Over Again ng Star Cinema upang ma-accomodate ang maraming bilang ng manonood.

SEEN:  Napuyat ang mga Pilipino sa panonood ng performance ni Michael Christian Martinez  sa Men’s  Free Skate ng  Winter Olympics na live na ipinalabas sa TV5 mula sa Sochi, Russia noong Huwebes ng gabi.

SCENE: Ang malaking pagkakahawig ni Ruby Tuason kay Ina, ang karakter ni Michael V. sa Bubble Gang. Si Ruby ang witness sa pork barrel scam na pinagtaasan ng kilay dahil sa drama na ibinubuwis niya ang buhay para sa bayan. Why now?

SEEN: Ang magandang flower arrangement mula sa kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes ang bumulaga kahapon sa bagong gising na si Marian Rivera.

SCENE: Sa March 31 ang pilot telecast ng Ikaw Lamang, ang period drama ng ABS-CBN na tinatampukan nina Jake Cuenca, Julia Montes, at Kim Chiu.

SEEN: Ngayong gabi, 6 p.m. ang free post-Va­lentine  mini-concert  ni Sarah Geronimo sa Acti­vity Center ng Trinoma.

vuukle comment

BUBBLE GANG

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

DINGDONG DANTES

FREE SKATE

HOWARD CALLEJA

HUWEBES

IKAW LAMANG

JAKE CUENCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with