Mat Ranillo bidang-bida sa Senate hearing
MANILA, Philippines - Nadawit na nga sa pork barrel scam si Mat Ranillo III, mali-mali pa ng tawag sa kanya sa mga taong nagbabanggit ng pangalan niya sa Senate hearing na dinaluhan ng bagong whistleblower na si Ruby Tuason.
Nariyang sabihin na “Miss Mat†o kaya naman “Mr. Mat†ang pagsabi sa kanya.
Pero alam ba ninyong kapatid daw ng dating kilalang dancer na si Raffy Chan si Ruby na ang napangasawa ay tiyuhin naman ng inactive na singer na si Louie Heredia?
Pina-subpoena na si Mat na balitang nasa ibang bansa ngayon kaya walang makuhang statement tungkol sa involvement niya sa kontrobersiya.
Marian pinalalabas na namang masama
Nanahimik na nga ang “patayan†isyu kay MaÂrian Rivera, ayaw pa rin siyang tantanan ng intriga sa pagiging diumano ay maldita niya.
May kumalat sa blogs na nagmaldita si Yan Yan nang tanungin siya tungkol sa kissing scene kay Alden Richards sa Carmela. Eh, that time, katabi ni Yan Yan ang boyfriend na si Dingdong Dantes. Siyempre, delicadeza na lang kaya umiwas sa tanong ang aktres, huh!
Gayunpaman, pinalabas pa rin siyang masama, huh! To think na ayaw naman niyang ipinangangalandakan ang halikan eh, boyfriend ang katabi niya. Puwede namang sagutin ‘yon ni Marian sa ibang pagkakataon pero ‘yung sagutin na katabi ang boyfriend, offensive naman ang eksenang ‘yon kay Dong, huh!
Kayang sagutin ni Marian ang anumang tanong pero may hangganan din naman ‘yon bilang respeto sa aktres. Naku, pag nalaman ni Manay Lolit ‘yan, award ang press na ‘yon, huh! Dapat din namang alagaan ng network si Marian lalo na’t siya ang hiÂnirang nilang Primetime Queen, huh!
- Latest