^

PSN Showbiz

Hindi nakakapahinga at ‘di nakakainom ng vitamins mga personal assistant ng aktres, madalas magkasakit sa sobrang pagod!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa sobrang selan at kaartehan daw ng isang aktres, nagkasakit sa puso ang isa nitong personal assistant.

Bukod sa kaartehan ng aktres, aba hindi rin daw kinakaya ng PA ang schedule ni aktres. Madalas daw itong magpuyat na nakakapahinga naman sa araw dahil meron itong magandang sasakyan na puwedeng tulugan. Eh ang mga assistant daw, siyempre wala naman mahigaan ng maayos habang nakabantay sa kanilang amo. Kaya ang nangyayari kinakaya ni aktres ang matinding puyatan, pero ang kanyang mga alalay hindi siyempre dahil walang pahinga. Besides, marami raw iniinom na vitamins ang aktres pangontra sa puyat at pagod, eh ang mga alalay wala raw. Ang mamahal daw ng mga naturang vitamins. Eh ang dami raw nitong show.

Kaya ang ending, nagkakasakit ang mga alalay na ang isa sa kanila ay nagkaroon ng hypertension.

Kaya ang aktres daw, hindi tinatagalan ng mga PA dahil sa sistema ng buhay nito.

Football superstar na si David Beckham, naunahan pa si Jennylyn Mercado na dumalaw sa Tacloban

Buti pa ang Football icon na si David Beckham, nakadalaw na sa Tacloban. Dumating ng bansa kahapon ang dating English captain and LA Galaxy star.

Iniwan niya ang asawang si Victoria na dating Spice Girl na hindi niya kasama ngayong Valentine’s Day.

Part ng kanyang pagiging Unicef Ambassador ang pagdalaw niya sa lugar na winasak ng Super Typhoon na Yolanda. Ambassador siya simula noong 2005 ng UNICEF.

At hindi man sila magkasama ng asawang si Victoria, siniguro naman niyang meron silang Va­lentine’s celebration.

Bukod sa pagbisita sa Tac­loban nauna na silang nag-donate ng asawa ng kahon-kahong damit sa British Red Cross na ipina-auction.

Hindi ito ang unang pagkakataon na dumating ng bansa ang Football icon.

Ang kontrobersiyal ngayon na si Justin Bieber ang huling international star ang dumalaw sa Tacloban.

Sa kabila nang pagdalaw ng mga international star marami pang mga artista natin ang hindi dumadalaw sa nasabing lugar.

Sana makonsensiya sila at tumulad sa ginawa ng Football superstar.

Wait, ano kaya ang nangyari sa plano noon ni Jennylyn Mercado na dumalaw sa Tacloban para magdala ng mga donations? Nakapunta kaya siya?

Cesar hindi na magdidirek ng sugo…

Tumigil na sa pakikipag-negotiate sa Iglesia ni Cristo si Cesar Montano para sa pelikulang Ang Sugo : The Last Messenger.

Heto ang statement ng kampo ng aktor na inilabas ng manager   niyang si Ms. Shirley Pizarro :

After the disagreement as to the completion date, Iglesia ni Cristo and Mr. Montano have completely stopped negotiations for Mr. Montano’s directorial ser­vices.

Mr. Montano was informed that he was supposed to co-direct the movie with Tikoy Aguiluz. However  Mr. Montano and Iglesia failed to come to an agreement as to his engagement as director for the movie so he would have no knowledge of the status of the movie or the engagement of  Mr. Aguiluz.

Mr. Montano and INC failed to agree as to the date of completion of the movie. Mr. Montano refused to agree to a June completion date because according him, an epic film like this, requiring computer graphics and special production design requirements, cannot be rushed. He refused to compromise the quality of the film.”

Nauna na si Sen. Bong Revilla na umalis sa pelikulang Ang Sugo dahil sa kontrobersiyang kanyang kinasasangkutan. Bida na sina Richard Gomez at Gabby Concepcion sa big bud­geted film ng Iglesia ni Cristo na ipalalabas sana ngayong taon.   

                                                                                             

ANG SUGO

DAVID BECKHAM

JENNYLYN MERCADO

KAYA

MR. MONTANO

TACLOBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with