^

PSN Showbiz

Ligawan at kasalan nina Boots at Atty. king, ipapasilip

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginulat ng 69 anyos na aktres na si Boots Anson-Roa ang publiko noong Disyembre nang ianunsyo niyang engaged na siya sa nobyong si Atty. Francisco “King” Rodrigo Jr., 74 anyos. Sundan ang kanilang kwento ng pag-ibig at ligawan na malapit nang mauwi sa kasalan sa Tapatan ni Tunying nga­yong Huwebes (Feb 13).

 â€œSabi ko, ‘Boots may ibibigay ako sayo. ‘Wag mo na lang akong paluhurin at baka hindi na ako makatayo.’ Nilabas ko ‘yong singsing at sabi ko, ‘Will you marry me?’ Isinuot na niya, hindi na sumasagot,” kuwento ni King.

Agad namang nagpaliwanag si Boots at sinabing, “Hindi ba actions speak louder than words?”

Ilang taon nang biyudo at biyuda sina King at Boots sa kanilang unang mga asawa nang i-set up sila ng mga kaibigan at kaanak sa isang date. Makaraan ang puspusang ligawan, nagpasya nang magpakasal ang dalawa ngayong Hunyo. 

“‘Yong iba tinatawag nilang nagkataon lang, ‘yong iba sinasabi tadhana, pero ang paniniwala ko, mayroong may kamay doon sa itaas na kumikilos,” saad ni Boots. 

Samantala, kung tuloy na tuloy na sa altar sina King at Boots, nagpahiwatig naman sina John Prats at Isabel Oli na maaari silang sumunod sa kasalan ngayong taon o kaya ay sa 2015.

 â€œHindi na siguro magtatagal. Nasasabik na din ako. Sobrang positibo ako sa 2014 at 2015,” pahayag ni John. 

Naniniwala ang aktor na handa na siya at nobyang si Isabel na bumuo ng pamilya. 

“Sa wakas, nasabi ko nang siya na. Nahanap ko na ‘yong taong alam kong susuportahan ako, na kaya niyang isakripisyo ‘yong career niya, ‘yong personal niyang interes para alagaan ako,” sabi ni John.

Huwag palampasin ang Tapatan ni Tunying (TNT) ngayong Huwebes, 4:45 p.m. sa ABS-CBN Kapamilya Gold.

BOOTS ANSON-ROA

HUWEBES

ISABEL OLI

JOHN PRATS

KAPAMILYA GOLD

RODRIGO JR.

TAPATAN

TUNYING

YONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with