Wish ng mga anak Alma at Joey magbalikan
Kung si Winwyn Marquez lamang ang masusunod, gusto niyang magkabalikang muli ang kanyang estranged parents na sina Alma Moreno at Joey Marquez. Hiwalay na si Alma sa kanyang husband na si Marawi Mayor Fahad Salic pero sa pagkakaalam namin ay may non-showbiz GF si Joey.
Kahit matagal nang hiwalay sina Alma at Joey ay nanatili umanong magkaibigan ang dalawa kaya wini-wish ng kanilang mga anak ang muli nilang pagkakabalikan.
Daniel hinihintay uli sa Big Dome
Magawa pa kayang mapuno ni Daniel Padilla ang Big Dome tulad ng sa kauna-unahang major concert niya last year?
Nakatakda na namang magkaroon ng major concert ang boyfriend at ka-love team ni Kathryn Bernardo na si Daniel sa Araneta Coliseum sa Abril 30 na pinamagatang Daniel Padilla at the Big Dome. Ngayon pa lamang ay inaabangan na ito ng kanyang mga tagahanga at mga fans nila ni Kathryn.
Vhong mahihirapan uling magpatawa
Maraming natutunan si Vhong Navarro sa kanyang naging karanasan at nagpapasalamat siya sa Diyos na siya’y buhay para mabigyan ng hustisya ang ginawa sa kanya ng grupo ni Cedric Lee. Humingi rin si Vhong ng tawad sa kanyang GF na si Tanya Bautista at pamilya nito maging sa kanyang pamilÂya at mga anak.
Hindi rin nagpabaya sa kanya ang kanyang manager, ang director na si Chito Roño, mga kasamahan niya sa It’s Showtime at iba pang mga kaibigan in and out of the industry.
“Malaki ang naitulong nila para maging matatag ako sa laban na aking kinakaharap ngayon,†pag-amin ng dating mister ni Bianca Lapus sa interview ni Boy Abunda sa Buzz ng Bayan.
Hindi pa totally healed ang kanyang mga pasa sa mukha. Napakahirap nga namang magpatawa gayung alam ng lahat na may pinagdaraanan siyang mabigat na pagsubok kaya hindi pa niya alam kung kailan siya babalik sa kanyang programa.
Pinasalamatan ni Vhong ang kanyang GF na si Tanya dahil hindi siya tinalikuan nito at sa halip ay inalagaan at dinamayan pa siya.
- Latest