^

PSN Showbiz

Sarah payag nang gumawa ng daring scenes with Coco

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakatambal sa isang pelikula sina Sarah Geronimo at Coco Martin. Sa bagong proyektong ito ng Popstar Princess ay napababalitang gagawa na raw siya ng daring scenes kasama ni Coco. “Titingnan po natin. Siyempre nandiyan ang pamilya ko, nandiyan ang parents ko. Mahirap naman magsalita nang hindi ko iniintindi kung ano ang desisyon nila. Siguro kung ano lang po ‘yung aangkop sa karakter ko talaga, ‘yung cha­racteristics ng role ko, kung ano ang qualities niya. Kung hinihingi ng istorya, baka puwede naman ‘yan i-approach na kaya lang ng limitations ko,” nakangiting pahayag ni Sarah. Malaking hamon daw para sa dalaga ang kanyang bagong pelikula lalo pa’t certified blockbuster hits ang mga huling pelikula nila ni John Lloyd Cruz. “Ang lakas talaga ng impact na naiwan ko sa mga tao as Laida Magtalas. Ang pinakamalaking challenge sa akin na magkaroon ako ng ibang atake sa acting bilang iba ‘yung role na ginagampanan ko. Maturity talaga as an actor,” paliwanag ni Sarah.

Umaasa rin ang si­nger actress na aalala­yan siya ni Coco sa bawat eksena na kanilang gagawin.

Samantala, masayang-masaya si Coco dahil nabigyang katuparan na raw ang isa sa kanyang mga pangarap. “Pinangarap ko na siyempre bawat pelikula, marami kang gustong makatrabaho or maging leading lady. Siyempre gusto ko hindi lang sa soap magkasama kami. Siguro ito ‘yung isa sa mga hiling ko na natupad na magkasama ulit kami,” pahayag ni Coco.

Matatandaang una nang nagkatambal ang dalawa sa seryeng Idol ilang taon na ang nakararaan.

 

John Lloyd pinanindigan ang pananahimik sa Vhong-Deniece-Cedric Case

Laking gulat daw ni John Lloyd Cruz nang nadawit ang pangalan niya sa kasong kinasasangkutan nina Vhong Navarro, Deniece Cornejo at Cedric Lee. “Oo kasi sensitibong kaso iyan para sa kaibigan ko,” bungad ni John Lloyd.

Wala raw talagang kinalaman ang aktor sa kung ano mang insidente ang nangyari sa tatlo at ilan pang mga kasamahan kamakailan. “I think it’s best na huwag na lang ako magbigay ng kahit ano. Wala na akong dapat sabihin tungkol diyan. Ayaw ko nang pahabain kasi it’s a very sensitive issue. Ayaw ko nang magbigay ng kahit ano pang comment,” giit ng aktor. Nakasuporta raw palagi si John Lloyd sa kaibigang si Vhong. Magkasama ang dalawa sa grupong Kanto Boys ng ASAP noon na kinabibilangan din nina Luis Manzano at Billy Crawford. “Hindi naman ako nagkulang sa pagsabi sa kanya na nandito kaming mga kaibigan niya. Regular kaming nakakapag-usap, magka-text kami. Masayang-masaya ako na nakauwi na siya (mula sa ospital),” pagbabahagi ng aktor. Reports from JAMES C. CANTOS 

AYAW

BILLY CRAWFORD

CEDRIC LEE

COCO MARTIN

DENIECE CORNEJO

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

KANTO BOYS

LAIDA MAGTALAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with