^

PSN Showbiz

Ruffa masayang nakasama uli si john Lloyd

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Noong Linggo ay si Ruffa Gutierrez ang naging espesyal na panauhin nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga sa kanilang sitcom na Home Sweetie Home. Matatandaang nagkaroon ng espesyal na ugnayan sina Ruffa at John Lloyd ilang taon na ang nakararaan. Masaya raw ang aktres dahil nagkaroon ulit sila ng pagkakataong magkatrabaho ni John Lloyd na una na rin niyang nakatrabaho sa I Love Betty La Fea. “After five years, it’s the first time na nakatrabaho ko siya ulit. Maayos naman. Masaya naman siyang kasama. For us to be working together again sa Home Sweetie Home, natuwa ako. Okay na pala sa ABS na magkasama kami, cool,” nakangiting pahayag ni Ruffa.

Nananatiling magkaibigan naman daw ang aktres at ang binata ngayon kaya hindi rin nagdalawang isip si Ruffa na mag-guest sa nasabing sitcom. “Si JL naman, nakakasama ko naman ‘yan sa labas as friends. We always bump into each other na walang mga cameras. Happy ako, natutuwa ako dahil naging game siya,” dagdag ni Ruffa.

Naging kumportable rin daw ang aktres sa taping kahit alam niyang karelasyon ngayon ni John Lloyd si Angelica Panganiban. “Magkaibigan naman kami kaya walang point para hindi kami maging kumportable. Walang isyu naman dapat,” giit pa ng aktres.  

Toni ayaw magsisi sa huli

Bukas ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Starting Over Again na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at Piolo Pascual. Ayon kay Toni ay malaki raw ang naging impluwensiya ng pelikulang ito sa kanyang buhay. “Iba ‘yung impact ng pelikulang ito. Binago ako ng pelikulang ito in many ways pagdating sa perception at pag-iisip ko sa pag-ibig. Ang daming realization,” bungad ni Toni.

“Kapag mahal mo pala ang isang tao, ipaglalaban mo pala talaga kasi magsisisi ka sa huli,” dagdag ng dalaga.

Samantala, napahanga naman daw si Piolo kay Toni sa pagiging magaling na aktres nito. “What I noticed about Tin which scared me, intimidated me, because what she was giving, whenever Inang would give her instruction, she would say, ‘Paano ‘to Inang?’ Hindi niya maintindihan, hindi niya ma-comprehend because hindi nangyari sa kanya so wala siyang reference. But once nag-action siya, take one lahat,” kuwento ni Piolo.

Malaking karangalan din daw para sa aktor na nabigyan siya ng pagkakataon na makasama si Toni sa isang pelikula pagkatapos ng mahigit isang dekada. “They (ABS-CBN) were asking me what I wanted to do. Ang hirap daw kasi akong hanapan ng project because of what I’ve become. Sabi ko, ‘Kayo naman po ang gumawa sa akin, how I changed, how I evolved, how I’ve transformed.’ So naghintay na lang po ako and dumating na nga,” paliwanag ni Piolo.

Reports from JAMES C. CANTOS

ANGELICA PANGANIBAN

HOME SWEETIE HOME

I LOVE BETTY LA FEA

JOHN LLOYD

NAMAN

PIOLO

RUFFA

TONI

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with