^

PSN Showbiz

Regine natuwang hindi na nagdurusa ang ama sa sakit

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na iniinda ni Regine Velasquez ang pagkawala ng kanyang amang si Mang Gerry.

Bagama’t nami-miss niya ang ama, iniisip na lang niya na mas payapa na ang buhay nito sa kinaroroonan ngayon. “Wala nang stress. Natuwa nga ako dahil ‘di ba, may scoliosis siya? Nakahiga na siya ng diretso ngayon. No pain! I’m sure, kumakain na siya ng chicharon baboy! Paborito niya ‘yon!” sagot ni Regine habang tumatawa.

“And I think he is happy now in hea­ven,” dagdag ni Regine kahapon sa presscon nila ni Martin Nievera para sa kanilang concert sa Friday, Valentine’s Day, Voices of Love na gaganapin sa MOA Arena.

Besides, meron naman daw siyang Nate na magpapaalala sa kanyang ama. “Natupad ang pangarap niyang mabig­yan ko siya ng apo! Kamukhang-kamukha niya si Nate. Maybe si Nate ang ipinalit sa kanya! Matagal na niya nung sinasabi na gusto niyang magkaapo sa akin,” dagdag ni Songbird  kahapon.

Hindi rin siya nag-ubos ng mara­ming luha dahil natatakot siyang mawalan ng boses. Maaalalang nawalan siya ng boses sa Silver concert, ‘yung anniversary concert niya noon kaya kinailangan         niyang ulitin. “I’m trying to be careful. Ina­alagaan ko lahat. During the wake hindi ako masyadong umiiyak. Hindi naman sa pinipigilan ko ang pagluluksa. Hindi naman. Umiyak na rin naman ako pero controlled! Naks! Oo puwede naman ‘yon!” sabi niya.t

Acid reflux lang ang problema niya so far at na-maintain naman niya ang kanyang boses.

“Kasi nakakaubos ng boses ang umiyak. Can you imagine kung buong linggo akong umiyak, sana wala na akong boses. Malat na malat na sana ako nga­yon!”

Besides nabasa raw niya na pag sad na sad ka, three minutes lang ang iyak mo. Once na mag-exceed na dun, ikaw na ang may kasalanan.

Hindi rin niya kakantahin sa concert ang mga kantang paborito ng namayapang ama na magpapaiyak sa kanya tulad ng Leader of the Band.

Andi walang paki kahit walang pangalan ang character

Walang paki si Andi Eigenmann kahit wala siyang pangalan sa pelikulang ABNKKBSNPLAko? (Aba Nakakabasa Na Pala Ako).

Special someone lang ang tawag kay Andi dito bilang love interest ng character ni Bob (Jericho Rosales).

Kahit ang pagiging support lang niya kay Anne Curtis sa Dyesebel ay wala ring paki ang aktres kahit nagbibida na siya sa afternoon serye na Galema at in fairness ay mataas ang rating.

Katuwiran ni Andi, walang maliit na role sa magaling na aktor.

Hindi na dini-deny ni Andi na hindi sila in good terms ng kanyang inang si Jaclyn Jose na nagsalita sa Startalk na hindi man lang nagsi-share ang actress ng gastusin nila sa bahay na naiintindihan naman daw niya dahil alam nitong nag-iipon ito ng pera sa education ng kanyang apo.

Anyway going back to ABNKKBSNPLAko?! (Aba Nakakabasa Na Pala Ako), super cute ang pelikula. As in pag pinanood mo, maaalala mo ang high school life na sinasabi ngang pinaka-exciteng na bahagi ng pagiging estudyante.

Naaalala pa ba ninyo ‘yung FLAMES? ‘Yung mga pimples na karaniwang tumutubo pag nasa high school?

Talagang ang lakas maka-throwback. Ang lakas ng dating. Hindi pa noon uso ang social media na kinababaliwan ng mga bagets ngayon kaya naman mas maraming mga kung anu-anong krimen ang nangyayari nang dahil sa mga napupulot sa Internet kumpara noon na mababaw lang ang kaligayahan ng mga estudyante.                                                 

 

ABA NAKAKABASA NA PALA AKO

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANNE CURTIS

NAMAN

NATE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with