Liza lutang pa rin sa wedding proposal ni Aiza Seguerra
Na-tweet ni Liza Diño ang “overflowing happiness†na reaction niya after mag-propose ng GF na si Aiza Seguerra noong February 7 pagkatapos ng final scene ng play na Kung Paano Maghihiwalay. Sa Teatro Hermogenes Ylagan ng UP Diliman, kung saan magkasama sila sa cast.
Nakunan ng picture ng isa sa audience habang nakaluhod si Aiza at ibinibigay ang engagement ring kay Liza. Hindi pa namin natatanong si Liza ng exact question ni Aiza dahil lutang pa raw siya.
Kuwento ni Liza, nag-propose si Aiza sa final scene na nalaman niyang set-up pala at alam ng production, ibang cast, at kahit ng audience, ang gaÂgawin ni Aiza. Siya lang ang walang alam. Hahaha!
Sa tanong kung kailan nila balak pakasal? “’Di pa namin naplano medyo lutang pa ko. Hahaha!†ang sagot ni Liza.
Very open ang dalawa sa relasyon nila at kahit sa social media, nag-a-I love you at kung may tutol man, mas marami ang pabor at masaya para sa kanila.
Michael de Mesa hindi pa alam ang kapalaran sa Ishmael Bernal movie
Si Michael de Mesa naman pala at hindi si Nico Antonio ang kinu-consider ng Quantum Productions ni Atty. Joji Alonso na gumanap sa role ni director Ishmael Bernal sa biopic na kanyang ipoprodyus to be directed by Chris Martinez.
Nalaman ang tungkol dito sa presscon ng Afternoon Prime na Innamorata at nagulat pa si Michael na alam ni Mario Bautista ang tungkol dito. Ang alam ng aktor, sikreto pa ang tungkol sa project. Inamin nitong nag-audition siya, pero wala pa raw final result.
Kasama raw ang karakter ni Ricky Lee at si Epi Quizon ang gaganap. Wala pang napipili na gaganap sa karakter ni director Marilou Diaz-Abaya at iba pang karakter.
Nabanggit namin si Nico dahil may mga nagsulat na hindi na nahirapan si Atty. Joji na maghanap ng gaganap sa role ni Bernal dahil sa anak na niya ibinigay ang role. Ayun, hindi naman pala totoo.
Anyway, ama ni Luis Alandy ang role ni Michael sa Innamorata. Bad siya rito at kontra sa friendship nina Edwin (Luis) at Esperanza (Max Collins). Sa direction ni Don Michael Perez, sa February 17 na ito simulang mapapanood.
Martin nagkamali sa first impression, Bianca sweet at maalaga raw
Magre-renew ng kontrata sa TV5 si Martin Escudero, kaya hindi ang drama series na Obsession ang last show niya sa network. Three-year exclusive contract uli ang pipirmahan niya, kaya marami pa siyang show na gagawin.
Hopefully, sa new contract niya, makatrabaho na niya si Alice Dixson dahil nabanggit na nainggit siya kay Mark Neumann na kapareha ng aktres sa The Lady Next Door, isa sa movie for TV ng TV5.
Sa ngayon, sa Obsession at kay Bianca King muna ang focus ni Martin. Dahil sa drama series, naalis ang impression ng aktor na suplada at terror ang dalaga. Sweet daw pala ito at maalaga sa pictorial pa lang nila.
Gary naghahanda sa pagbalik sa Araneta
Nasa Amerika si Gary Valenciano para sa series of special concerts sa California na nagsimula last Feb. 7 sa Santa Barbara. Ang next show ni Gary ay sa Feb. 16 sa Harrah’s Rincon sa San Diego.
Kasama ni Gary sa shows niya sa California at special guests ang AKA JAM na finalist sa X-Factor at ang anak nitong si Gab Valenciano. Si Mon Faustino ang director ng shows ni Gary.
Pagbalik ni Gary, may campus tour siya to promote his new album Gary V, With You na magkakaroon ng grand launch. Magre-record din siya ng theme song para sa bagong soap ng ABS-CBN at paghahandaan na ang two-night major concert sa Smart Araneta Coliseum sa April 11 and 12.
- Latest