^

PSN Showbiz

Sarah at Coco, kabado sa isa’t isa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nakatakdang magtambal sa isang pelikula sina Sarah Geronimo at Coco Martin. Kinakabahan daw si Coco dahil blockbuster lahat ng mga huling pelikula ng aktres kung saan ay katambal nito si John Lloyd Cruz. “Natatakot! Siyempre ‘pag sinabi mong Sarah Geronimo, mataas ang expectation ng mga tao. Ako naman kasi, sanay ako sa indie. Kumbaga, ito ‘yung nakasanayan kong mundo. At ngayon, papasok ako sa mundo ng mainstream at si Sarah Geronimo pa ‘yung makakasama ko. Honestly, napakalaking pressure po para sa akin,” nakangiting pahayag ni Coco. Matatandaang minsan nang nagkatambal sa seryeng Idol ang dalawa ilang taon na ang nakararaan.

Kabado rin naman daw si Sarah na makasama ang aktor sa kanilang bagong proyekto. “Kilala ko si Coco bilang magaling talaga na aktor ng generation na ‘to. So kung ano man ‘yung pinagtrabahuhan namin sa Idol, may pressure na rin sa akin no’ng time na ‘yun eh, kasi ang galing-galing niya talaga. So dapat talaga sa pagkakataon na ito, makahabol talaga ako sa kanya. Siyempre alam naman ng mga tao ‘yung experience ko as an actress at ‘yung experience niya as an actor, talagang ang layo. So sana mapagtrabahuhan ko talaga nang husto,” pahayag ni Sarah.

Kahinhinan ni Karylle tinanggal ni Vice

Naging emosyonal si Karylle sa programang It’s Showtime noong Sabado kaugnay sa nalalapit nilang pagpapakasal ng kasintahang si Yael Yuzon. Dumating daw kasi ang binata sa buhay ng aktres nang magsimula siya sa nasabing programa. “Not a lot of people know, some three and a half years ago, a new chapter in my life started. The happiest and most exciting one yet. I started as a hurado here in Showtime and I became part of the Showtime family at kakambal po nito, dumating si Yael sa buhay ko. It was a sunny afternoon, guest pa ako rati sa Pilipinas Win Na Win, at kumain kami sa Mister Kebab kasi mahilig po ako sa kanin at after that we had coffee, and sinagot ko siya,” kuwento ni Karylle.

Malaking bahagi raw ng pagkatao ng dalaga ang mga kasamahan niya sa programa. “Little by little, my life started to change. Ryan (Bang), he taught me how to be a hurado so I wouldn’t be voted out by the madlang people. I started to dream bigger because of Anne (Curtis), I learned how to share sawsawan because of Vhong (Navarro). I learned na si Billy (Crawford) lang ang pinaka-game sa malabo kong trip na abangan ang sunrise because he’s ready to be a friend, anytime, and anywhere. Teddy (Corpuz) showed me how fun it is to have a gro­wing family, Jugs (Ju­gueta) showed me that he loves me even though he finds that I’m the weirdest in the Showtime group. Jhong (Hilario) taught me to be more attentive and respectful. Coleen (Garcia) taught me that younger people have wisdom and Eric (Tai) showed me that boys with muscles have big, big hearts. Most importantly, Kuya Kim told me that I’m good friend but I’m a high maintenance girlfriend. So tuwing inaaway ko si Yael, si Kuya Kim ang naririnig ko na konsensiya. I just kept his words and I tried to be a better person,” pagde-detalye ni Karylle.

Malaki rin ang pasasalamat ng dalaga kay Vice Ganda dahil ang komedyante raw ang nagturo sa kanyang maging masaya at kung paano tumawa nang malakas sa kabila ng pagkakaroon ni Karylle ng imaheng mahinhin.   

Reports from JAMES C. CANTOS

 

COCO MARTIN

JOHN LLOYD CRUZ

KARYLLE

KUYA KIM

MISTER KEBAB

PILIPINAS WIN NA WIN

SARAH GERONIMO

SHOWTIME

SHOWTIME AND I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with