Direk Olive naiimbyerna pag naghahangad ng award ang dinidirek na artista
Kilala si Direk Olive Lamasan sa bansag na Inang kung saan hindi lang mga taga-showbiz ang tumatawag sa kanya nito kundi pati mga guardiya.
Kapag nakasakay siya ng bus, sumasagi sa kanyang isipan ang mga istorya na gusto niyang gawin kung saan nakakabuo ito ng mga elemento para mabigyang buhay ang mga karakter ng kuwento.
Hindi rin ito nahihirapan sa pagmo-motivate sa isang artista para makaarte ng realistiko dahil sumasalang sila sa brainstorming session.
‘‘May confrontation scene sa StarÂting Over Again pero pakiramdam ko ay kulang pa ito kaya ipinatawag ko sina Toni Gonzaga at Piolo Pascual. Nagkaroon ng argumento ang bawat isa, nagworkshop pa kaya naging matagumpay ang aming mga ginawa at maging makatotohanan sila sa pag-arte,†sey ni Direk.
Inamin ni Direk na hindi niya pinaÂngarap na maging director noon. Gusto nitong kumuha ng medisina pero wala silang pera.
Samantala, pikon si Direk Olive pag nangangarap agad ang artista niya sa pelikula ng award.
Ipalalabas na ang Starting Over Again sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula ngayong Pebrero 12.
Endless Love, sakto sa Valentine
Isang nakakakilig na teenage love story ang mapapanood sa pelikulang Endless Love na pang Valentine presentation ng Solar-UIP. Tiyak na maÂraming makaka-relate sa pelikula ng mga bagets dahil ipakikita kung paano ipaglalaban ng mga kabataan ang kanilang pagmamahalan laluna kung gusto silang papaghiwalayin ng kanilang mga magulang. Tampok sila Alex Pettyfer at Gabriela Wilde sa direksiyon ni Shana Feste. Palabas na sa Pebrero 12.
- Latest