Mga nanood ng Wicked nagdusa sa init sa CCP
SEEN: Biktima na rin ng bashing si Atty. Howard Calleja dahil sa pagtatanggol niya kina Cedric Lee at Deniece Cornejo. May panawagan kay Atty. Calleja na mag-quit siya bilang legal counsel nina Cedric at Deniece upang hindi malagay sa alanganin ang kanyang integridad.
SCENE: Bumuhos ang pakikiramay kay Tado Jimenez, ang comedian/activist na nasawi sa isang bus accident sa Mountain ProÂvince noong Biyernes. “Long trip as in trip na trip†ang isa sa mga huling tweet ni Tado bago siya namatay.
SEEN: Ang hindi nakakapagtaka na balita na fake ang plate number at walang permiso na mag-operate ang Florida Transport, ang bus na sinakyan at naging sanhi ng pagkamatay ni Tado Jimenez.
SCENE: Malapit nang matapos ang shooting ng Overtime, ang action-packed movie ng GMA Films na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.
SEEN: Disgusting at cruel ang reaksyon ng mga Amerikano sa pahayag ni Congressman Manny Pacquiao na kumakain ito ng aborted duck fetuses o balut sa mga Pilipino.
SCENE: Kailangan ni Meg Imperial na mag-hire ng mahusay na stylist dahil hindi bagay sa kanyang edad ang mga damit na isinusuot niya.
SEEN : Ang reklamo ng mga nanood ng Wicked noong Huwebes na mainit sa CCP dahil hindi gumagana ang aircon. Ang bigyan sila ng free tickets para sa ibang araw ang request ng mga manonood na naperwisyo.
SCENE: Ang mga request na kantahin ni Martin Nievera ang Let It Go sa Voices of Love, ang concert nila ni Regine Velasquez sa Mall of Asia Arena sa February 14. Ang Let It Go ang sikat na soundtrack ng Frozen, ang blockbuster movie ng Walt Disney Pictures.
- Latest