Ka Freddie, gusto nang magkaanak sa menor de edad na asawa
Nagpa-plano na raw magkaroon ng anak si Freddie Aguilar sa bago nitong asawa. Matatandaang naging kontrobersiyal ang pakikipagrelasyon ng singer sa isang menor de edad kamakailan. Hindi nagtagal ay nagpakasal ang dalawa sa pamamagitan ng isang Islamic rites sa Maguindanao noong Nobyembre. “Napag-usapan namin ‘yong pagkakaroon ng baby. Kasi sabi ko, next month 61 na ako. Pero ang priority ‘yong pag-aaral niya ng culinary na matatapos siya in six months. Kung along the way na nag-aaral ka at biglang matsambahan na mabuo, at least kako graduate ka na bago ka pagbawalan na lumabas ng bahay,†nakangiting pahayag ni Ka Freddie.
“Ang gusto ko lang matapos pag-aaral ko, matulungan ko si Freddie, matulungan ko magulang ko,†sagot naman ng asawa.
Marami ang bumatikos sa relasyon ni Ka Freddie at kanyang asawa dahil sobrang layo ng agwat ng mga edad nila. Hindi na raw pinapansin ng singer ngayon ang mga masasakit na salitang ibinabato sa kanilang mag-asawa. “Iyong mga bashers, bahala na sila sa buhay nila. Hindi na nila kami matatawag na imoral ngayon kasi kasal na kami,†pagtatapos ng singer.
Pang-iimbyerna ni Xian kay ‘Kim’inako ni Direk Bobot
Mainit na pinag-usapan ang tungkol sa pagge-guest ni Xian Lim sa programang Banana Nite kamakailan. Ito ay matapos sorpresang lumabas ng look-alike ni Kim Chiu na si Charmae Viking habang nasa entablado pa ang aktor. Ikinagulat daw ito ni Xian kaya may ilang mga salitang nabitawan na sinasabi ng ibang tao na ‘offensive’ daw.
Ayon naman sa direktor ng programa na si Bobot Mortiz ay nagkaroon din ng pagkukulang ang kanilang pamunuan. “Ang totoo niyan, hindi kasalanan ni Xian ‘yung nangyari, kasi dahil biglaan talaga ‘yung show na ‘yun, ako ‘yung nakaisip na gu-good-time-in si Xian. Actually, hindi niya alam na darating pala ‘yun. Ang problema lang, hindi sila nag-brief na habang kumaÂkanta pa si Xian lalapitan siya ng look-alike. So ang nangyari nakatayo lang siya, so walang nakakaalam sa mangyayari. So may kasalanan din ako no’n kasi hindi dapat naging gano’n ‘yung nangyari, †pahayag ni Direk Bobot. “Kung naturuan namin ‘yung look-alike na kunwari biniro niya si Xian, siguro kung ginano’n niya, nilapitan niya si Xian, lalaruin na siya ni Xian, hindi eh. Nakatayo lang siya do’n so kung ako man ‘yun ‘di ba kung ganoon, ‘Anong ginagawa nito? Anong gagawin ko?’†dagdag ni Direk Bobot.
Nakiusap din ang direktor na huwag kaagad sanang husgahan ang ikinilos ng aktor lalo pa’t humingi na rin ito ng tawad sa dating Kalokalike constestant ng It’s Showtime. “Nag-apologize naman siya, ang mga tao naman nagkakamali. Hiningi niya ang number ng look-alike. I’m sure tumawag siya para mag-sorry tsaka sa Twitter niya, so alam mo ‘pag nagso-sorry ka, sign of humility na ‘yun so dapat tanggapin nila. Bihira ang taong nagso-sorry di ba,†giit pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest