Little/Miss Teen Earth naghahanap ng magaganda
MANILA, Philippines - Panahon na uli ng paghahanap sa natatanging ganda ng mga kabataang Pinay. Ang Miss Teen Earth Philippines at Little Miss Earth Philippines ay magkakaroon ng pa-audition sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Inaanyayahan ang lahat ng mga batang babae edad 4-17 na sumali para sa layuning i-promote ang environmental awareness at foster change.
Ang pre-screening ay simula na ngayong buwan ng Pebrero sa buong bansa at gaganapin ang grand pageant night sa May 27 sa SM MOA Arena. Nakiisa rin ang Project Headshot Clinic at Climate Change Commission sa pagpapatibay ng adbokasiya sa pamamagitan ng headshot petition campaign na tinawag na Project Earth.
Isang digital campaign ang Project Earth kung saan gagamit ng mga headshots para sa advocacy campaign. Mga kilalang personalidad sa iba’t ibang industriya ang napili para sumali sa headshot clinic na ito. Gagamitin ng mga Project Earth ambassadors ang kanilang digitized profile photos sa mga social media accounts nila.
Kabilang sa mga napiling ambassadors sina Alessandra de Rossi, Alex Gonzaga, Dolly Ann Carvajal, IC Mendoza, Tessa Prieto-Valdez, Tim Yap, Rajo Laurel, Francis Libiran, Mayor Pie Alvarez of San Vicente Palawan, Sec. Mary Ann Lucille Sering of Climate Change Commission, Elmo Magalona, Maxene Magalona, Robby Carmona, Suki Salvador at Vince Uy.
Mula sa hindi pagkain ng karne hanggang sa simplang pag-iwas na magkalat, ang bawat isa sa mga ambassador na ito kasama ng kanilang headshots ay magbibigay inspirasyon sa lahat na maging earth ambassadors, para pangalagaan at protektahan ang inang kalikasan kahit sa maliit na paraan.
Isa lamang sa mga plano ng Miss Teen Earth Philippines at Little Miss Earth Philippines ang online campaign na ito sa pag-promote para protektahan ang ating kalikasan. Ayon kay Vas Bismark, presidente ng Captured Dream Productions at ang trademark owner ng pageants na ito, “Miss Teen Earth Philippines and Little Miss Earth Philippines are pageants with a heart.†Umaasa siya na sa pamamagitan ng mga pageant at campaign na ito ay patuloy niyang maibahagi ang kanyang adbokasiya sa pagpapalaganap na maprotektahan ang ating kalikasan.
Si Niccolo Cosme na may-ari ng Project Headshot Clinic ay may konsepto na ang paggamit ng headshots ay isang epektibong form of advertising. Sa paniniwalang madaling pag-usapan at maging curious ang mga tao sa mga uploaded profile photos na may iisang tema.
Para sa iba pang detalye, tumawag sa 0922-8736617 o mage-mail sa [email protected] or [email protected]. BiÂsitahin lang ang www.missteenearth.ph para sa mga gustong sumali at iba pang detalye ng pageant.
- Latest