Jericho tatapatan si John Lloyd?
Kailangang mapanood n’yo ang ABNKKBSNPLAKO?! (Aba Nakakabasa na Pala Ako?!) ng Viva Films para lamang makita at mapatunayan ang pagiging versatile ng pangunahing biÂdang laÂlaki rito na si Jericho Rosales. Kung tanggap man ang kagalingan ng KapaÂmilÂya actor sa drama, marami naman ang nag-aalala kung makakaya ba niyang itaÂwid sa kabuuan ng pelikula ang pagiging coÂmedy nito. Hindi magpapanggap na isang komedyante si Jericho dahil hindi siya ang magbibigay ng katatawanan sa mga maÂÂÂnonood ng movie kundi ang mga sitwasyon na kapapalooban niya. Makakaya na ba niyang taÂpaÂan ang signature drama/comedy actor ng network na si John Lloyd Cruz?
“Naiilang akong mag-comedy dahil hindi ko comfort zone ang comedy, pero tiningnan ko na lamang ‘yung kasiyahan na makukuha at maibibigay ko habang ginagawa ko ang movie. Ang manonood lamang ang makapagsasabi kung nagtagumpay ako o hindi,†anang aktor na bukod sa nakakaarte ng maganda ay isa ring mahusay na singer/musician, isang maituturing na kalamangan niya sa maraming artistang lalaki sa bakuran ng ABS-CBN.
Malaking bagay ‘yun gradong “A†na ibinigay ng Cinema Evaluation Board (CEB) sa pelikula hindi lamang ni Jericho kundi maging ng director na si Mark Meily at ng mga kasamahan niya sa movie na sina Andi Eigenmann, Vandolph Quizon, at Meg Imperial. Hindi lamang nito ibo-boost ang libro ni Bob Ong na pinagkunan ng pelikula kundi magbabalik din ng mga magagaganda at masasayang alaala ng ating kabataan at buhay estudyante.
Tungkol ang pelikula kay Roberto, isang medÂyo may edad na guro na naghahanda para sa isang high school reunion. Kung siya ang masusunod ay ayaw ni Roberto na dumalo sa nasabing homecoming, pero mapilit ang bff niyang si Ulo (Vandolph) at isa ring dating kaiskuwela na si Portia (Meg). Gusto nilang maipamalas sa mga naging kaiskuwela nila ang mga naabot na nila sa buhay. Pumayag lamang si Roberto nang malaman na makikita niyang muli ang kanyang one great love (Andi) sa reunion.
Magsisimulang mapanood sa sinehan ang ABNKKBSNPLAKO?! na ang libro ay isang required reading sa elementarya na hindi isang narrative dahil wala itong nag-iisang kuwento kundi mga essays tungkol sa edukasyon.
Completely different ang libro at ang pelikula. Wala sa libro ang kuwento ni Roberto, o ang hindi natuloy na romansa nila ng kanyang kaiskuwela. Pero katulad ng maraming pelikula ni Mark Meily, ay binigyan ito ng “A†ng mga taga CEB. Ikalimang ulit na itong “A†ng director, at may klasipaikasyong G mula sa MTRCB.
Solenn gustong mag-try ng jazz
Unti-unti ay naisasakatuparan na ni Solenn Heussaff ang kanyang pagiÂging singer. Bagaman at may ilang panahon din siyang na-side- track sa pagiÂging artista at commercial model, sa release ng kanyang ikalawang album na pinamagatang SOS (Singer or Saint) ay naniniwala na ngayon ang marami na isa nga siyang singer, bukod pa sa pagiging isang artista at product endorser.
At kung ayaw n’yo pa ring maniwala, ang debut album niyang Solenn ay platinum na!
Gusto niyang ang susunod niyang album ay magtatampok naman sa genre na jazz na mellow at very, very slow dahil. “Yun ang boses ko, mga ganung kanta ang gusto at kayang-kaya ko,†sabi niya.
Kapipirma lamang ni Solenn ng bagong tatlong taong kontrata sa GMA.
Guest si Solenn sa Samahang Walang Ka-VaÂlentine concert ni Ogie Alcasid sa Music Museum, Peb. 13, 14, at 15.
Daisy nagpa-party
Pag si Daisy Romualdez talaga ang nagpa-party, bongga! Naki-dinner ako sa kanya bilang selebrasyon ng kanyang birthday at ginanap yun sa napakaganda at maranggyang café sa ground floor ng Will Tower Mall na matatagpuan sa harap ng ABS-CBN. Dahil maaga pa kung kaya sina Kuya Germs, Gloria Romero, Amalia Fuentes, Elizabeth Ramsey, Liberty Ilagan, at kami nina Alfie Lorenzo, Linda Rapadas pa lamang ang magkatulong na inaasikaso nina Daisy at ng anak niyang si Danita Paner. Wala pa ang ibang miyembro ng Romualdez at Paner families, pero nagbabadya na ng saya ang sunud-sunod na pagdaratingan ng maraming kaibigan ng may birthday sa venue. Happy birthday, Daisy!
- Latest