Lola ni Deniece Cornejo nakisali na rin!, Wally balik-Bulaga
PIK: Kinumpirma ng mga taga-Eat Bulaga na babalik na si Wally Bayola ngaÂyong araw at siya ang isa sa magandang birthday gift para sa kaarawan ni Jose Manalo.
Iniiwasan lang ng mga taga-Bulaga na ma-interview si Wally. Pero magsasalita naman daw ito para humingi ng patawad sa mga taong sumusubaybay sa kanila.
Abangan sa Startalk bukas ang kuwento tungkol dito.
PAK: Lumabas na rin ang lola ni Deniece Cornejo na na-interview ng GMA news para ipagtanggol ang kanyang apo.
Ayon sa lola ni Deniece na si Polly Cornejo, nasasaktan daw sila sa mga ibiniÂbintang sa dalaga.
Takot na takot na raw lumabas ang ina ni Deniece dahil ang dami na rin daw nilang natatanggap na death threats.
May mga nananakot na raw sa kanila na sasabuÂyan daw sila ng asido sa mukha, kaya parang ayaw na raw lumabas dahil sa takot na baka ano pa ang mangyari sa kanila.
Sinasabihan sila ng abogado ni Deniece na huwag nang lumabas at magsalita, pero ang sabi ng kanyang lola Polly, gusto na raw niyang magsalita pati na rin ang anak nito, para maipagtanggol naman daw nila ang kanyang apo.
BOOM: Hindi itinanggi ni Andi Eigenmann na hanggang ngaÂyon ay hindi pa sila nag-uusap ng kanyang inang si Jaclyn Jose.
Sa presscon ng pelikulang Aba Nakakabasa na Pala Ako na magsu-showing na sa February 19, hindi naiwasang itanong sa young actress ang isyu nilang mag-ina pero hindi na dinetalye ni Andi kung ano ang dahilan ng kanilang pag-aaway.
Dumaan na ang Pasko at Bagong Taon, hindi pa sila nag-uusap at bihira lang daw silang magkita kahit na sa iisang bahay lang sila.
Pero sabi naman ni Andi, siya naman daw ang gagawa ng paraang magkaayos sila at darating din daw ang araw na magkakausap sila nang maayos.
“Let’s just wait for the right time,†pakli ni Andi.
Naniniwala siyang magkakayos din daw sila sa tamang panahon at hindi naman daw mawawala ang kanilang relasyon bilang mag-ina.
- Latest