^

PSN Showbiz

Vhong may death threats bago lumabas ng hospital, pero bullet proof vest at helmet hindi sinuot!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Cute ang Valentine episode ng Sarap Diva ni Regine Velasquez na mapapanood bukas.

May inayos silang proposal ng isang graphic artist at photographer na si Jay sa kanyang kasintahan.

Si Ryan Agoncillo ang accomplice na naghanda pa ng special breakfast para sa magkasintahan at kay Regine.

PAK: Nagmistulang fans day ni Vhong Navarro sa St. Luke’s hospital hanggang sa Department of Justice kahapon.

Pagkalabas niya ng hospital tumuloy siya ng DOJ para sum­paan ang mga kasong isinampa laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at mga kasamahan nito.

Pero matindi ang security kay Vhong dahil bago pa lang siya lumabas may mga death threats na siyang natatanggap.

Pinapagsuot pa nga siya ng bullet-proof vest at helmet pero ayaw naman suotin ng aktor.

Ayaw nilang sabihin kung babalik pa ng hospital si Vhong o pansamantalang sa safehouse muna siya tutuloy.

BOOM: Hindi pa masabi ni Direk Chito Roño kung kailan babalik sa trabaho si Vhong.

Mukhang matatagalan pa raw si Vhong lalo na ang pagbabalik niya sa Showtime.

Sabi ni Direk Chito, kung sakaling handa na raw si Vhong na magtrabaho, baka sa pelikula raw muna siya at parang hindi pa raw handa ang aktor na bumalik sa TV lalo na kung sa isang musical-variety show siya lalabas.

 

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIREK CHITO

DIREK CHITO RO

REGINE VELASQUEZ

SARAP DIVA

SI RYAN AGONCILLO

ST. LUKE

VHONG

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with