Kuya Germs, magdi-debut na!
Hindi mismong si Kuya Germs ang magdiriwang ng kanyang debut o ika-18 kaarawan sa kanyang panghatinggabing programang Walang tulugan with the Master Showman. Ang programa ang magkakaroon ng malaking selebrasyon simula ngaÂyong Sabado, Feb. 8, dahil nakaabot na ito ng 18 taon sa ere.
First time yata ‘yun na binigyan ang Master ShowÂman ng pa-presscon ng Kapuso Network, siguro dahil sa kabila ng pagiging matagal ng Walang Tulugan sa ere, patuloy itong tinatangkilik ng mga manonood. Sa mga ibang bansa nga, sa paÂÂmamagitan ng GMA Pinoy TV ay dalawang ulit itong napapanood, isa sa umaga at isa sa hapon. Kaya naman walang tutol ang beteranong TV host at artista na maglakbay sa maraming bansa hindi para i-promote ang WT kundi ang GMA Pinoy TV na kung saan nakakakonekta ang marami naÂting kababayan sa iniwan nilang bansa sa paÂmamagitan ng mga programang lokal na hatid dun ng GMA, na isa nga ang progÂrama ni Kuya Germs.
Nakatutuwang malaman na sa kabila ng mga payak na regalo mula sa mga sponsor ng show na tinatanggap ang mga naggi-guest sa programa ay wala silang tinatanggap ni singko sentimos mang talent fee sa kanilang paglabas sa show, pero marami pa rin ang nagpapaunlak sa mga paanyaya ng mga nasa likod ng programa.
Bukod kay Kuya Germs, tumutulong din sa kanÂya na mag-host ng show sina John Nite, Jackielou Blanco, Sharmaine Santiago, Jake Vargas, Ken Chan, Aki Torio, at marami pang kabataan na sinasanay ng Master Showman sa kanyang panghatinggabing programa.
Rhodora hindi napataob ng kalaban
Masaya ang mga nasa likod ng bagong teleserÂyeng Rhodora X dahil namayani ito laban sa unang pagpapalabas ng The Biggest Loser Doubles Pinoy Edition. Nagkaroon pa ng agam-agam ang mga suki ng programa ng GMA dahil nga reality ang makakatapat nila, madrama rin, pero wala pala silang dapat ikatakot, ayon sa Nielsen TV measurement ay nakakuha ang Rhodora X sa national urban Philippines, urban Luzon at Mega Manila ng rating ng mas mataas sa kalaban nilang programa. Nakahinga rin ng maluwag si Jennylyn Mercado .
Michael may Valentine concert
Patatalo ba naman ang baguhan sa concert scene na si Michael Pangilinan sa mga malalaking artista na magkakaroon ng Valentine concert ngayong buwang ito. Siyempre hindi. Ayaw ng manager niyang si Jobert Sucaldito na ma-zero ang alaga niyang singer ngayong Valentine.
May back to back concert si Michael hindi sa mismong Valentine’s Day kundi sa Peb. 13, sa The Library Metrowalk Ortigas kasama si Prima Diva Billy, 10 p.m. Maggi-guest sa concert sina Duncan Ramos, Luke Mejares, Paolo Santos, Chef Anton, Token Lizares, AJ Tamiza, at Le Chazz.
Giselle naiilang na ma-in love kay Sam
Hindi nakapagtataka kung maging awkward man si Giselle Sanchez sa unang pagpapareha nila ni Sam Concepcion sa episode ngayong Sabado ng Maalaala Mo Kaya.
First time naman ni Sam na gumanap ng isang mature role at si Ynna Asistio ang love interest niya.
Pinay pasok sa bagong season ng AI
Meron na naman taong mapaglalagyan ng pag-asa sa season ngayon ng American idol. May isa na namang FilAm na nakapasa sa audition na ibinigay nito. Siya ang 16 na taong gulang na si Malaya Watson na taga-Michigan. Tatlong yes ang ibinigay sa kanya ng judges na sina Jennifer Lopez, Keith Urban, at Harry Connick, Jr. para sa pagkanta niya ng Ain’t No Way ni Aretha Franklin.
- Latest