^

PSN Showbiz

Natunton sa kaso ni Vhong, Patricia Javier babalik ng showbiz, miss na miss na ang umarte

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Mainit pa rin na pinag-uusapan ang kaso ng pambubugbog kay Vhong Navarro ng grupo ni Cedric  Lee pero nanganak na nang nanganak ang isyu dahil pati ang mga personal na buhay ng mga sangkot, nalalaman ng publiko.

Kung magkuwento nga ang mga tsismoso at tsismosa, parang personal ang pagkakakilala nila kina Vhong, Cedric, at Deniece.

Kung magkuwento sila, parang nasaksihan nila nang aktuwal ang pambubugbog kay Vhong etc. dahil sa kanilang kagustuhan na maging “belong.” Ayaw na ayaw ng mga usisero at usisera na mahuli sila sa mga tsismis na kadalasan eh palpak.

Pati si Patricia Javier na matagal nang nananahimik sa Amerika, natunton ng reporter ng ABS-CBN.

In fairness, walang sinabi na masama si Patricia laban kay Cedric na dating boyfriend niya. Matagal din pala ang kanilang relasyon pero may tsismis na napilitan din si Patricia na manirahan sa US dahil kay Cedric. Tumanggi na lang siya na sabihin ang dahilan.

May plano si Patricia na magbalik-showbiz dahil miss na miss na niya ang pag-rate. May permiso raw ng American husband ni Patricia ang balak nito na i-resume ang showbiz career.

Privilege speech ni Bong Natabunan ni Vhong

Natabunan na ng Vhong Navarro controversy ang explosive privilege speech ni Senator Bong Revilla, Jr. sa senado.

  Bago naganap ang pambubugbog kay Vhong, ang privilege speech ni Bong ang mainit na pinag-uusapan ng publiko. From Bong to Vhong, bow!

Deniece BAGAY sa Rhodora X

    Nalito ang televiewers sa mga statement ni Deniece Cornejo sa Startalk noong Linggo. Ang sabi nila, puwedeng isama si Deniece sa cast ng Rhodora X, ang teleserye nina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Mark Herras, at Mark Anthony Fernandez.

    Bahala na kayong mag-isip kung bakit nagkaroon ng mga suggestion na bagay na isali si Deniece sa Rhodora X.                                               

Rehab clinic dinarayo ng mga artista

Dinarayo pa rin ng mga showbiz personality at ordinaryong tao ang Msquare Myotherapy & Rehab Clinic ni Reynold Sta. Maria.

Lalong dumami ang mga celebrity client ni Rey dahil nabalitaan nila na expertise ng clinic ang pagpapagaling sa low back pain, pinched nerve, disc problem, neck pain, scoliosis, arthritis, headache, stress etc.

Na-try ko na ang mga serbisyo sa clinic ni Rey at totoo naman na nawala ang stress na nararamdaman ko.

Sina Mr. Tony Tuviera,  Iza Calzado, Rafael Rosell, at KC Concepcion ang ilan sa mga regular celebrity client ng Msquare Myotherapy & Rehab Clinic.

Sa mga gustong kumunsulta, mada­ling puntahan ang clinic ng MySquare Myotherapy sa 7A Granada St. Barangay Valencia, Quezon City pero mas mabuti na humingi muna kayo ng appointment dahil marami silang mga pas­yente. Sa mga interesado, tumawag kayo sa telephone numbers 470-8476, 546-3311 at cell phone number 09175053655.

 

CEDRIC

DENIECE

MSQUARE MYOTHERAPY

REHAB CLINIC

RHODORA X

VHONG

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with