^

PSN Showbiz

Epey, pinaka-t-boom

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinanghal na pinaka-T-Boom o pi­na­­ka-talentado, pinakamatalino, at pi­na­ka­malakas ang karisma ng 25 taong gulang na si April Mariz “Epey” Herher matapos pangalanang kauna-unahang grand winner ng That’s My Tomboy beauty pageant ng It’s Showtime sa grand finals nito kamakalawa (Feb. 1).

Tinalbugan ni Epey ang iba pang 38 na grand finalists para mapanalunan ang P300,000 na cash prize. Napabilib niya ang mga hurado sa kanyang mahusay na sagot nang tanungin kung ano ang ibig sabihin ng tagumpay para sa kanya sa question-and-answer round.

 â€œAng kahulugan ng tagumpay ay ang makapagpasaya ka ng mga tao, lalo na ang mga pinakamahalagang tao sa buhay mo. ‘Yung mga pangarap sa ‘yo ng ibang tao, nagkakaroon ng katuparan, hindi para sa sarili ko. Tulad nga po ng sinabi ni Blessed Arnold Janssen, ‘To God, the glory. To my neighbors, the benefit. To myself, the burden,’” sagot niya.

Maluha-luhang inalay ni Epey ang kanyang tagumpay sa mga kababayan sa Lubang, Occidental Mindoro kung saan siya nagmula, at pinasalamatan ang It’s Showtime sa pagpapamalas ng ta­lento, karisma, at talino ng mga tomboy sa kauna-unahang beauty pageant para sa kanila sa Philippine television.

 â€œNagpapasalamat po ako sa It’s Showtime para sa pagkakataong maipakita na kaming mga T-Boom, karapat-dapat na tanggapin sa lipunan,” pahayag ni Epey, na nagwagi rin ng special award na Best in T-Boom Style para sa kanyang porma.

Pinangalanan namang first runner-up at nag-uwi ng P200,000 si Kim Orencio. Siya rin ang nakatanggap ng Best in T-Boom Talent award para sa kanyang swabe at nakakamanghang dance moves.

Wagi naman ng P100,000 ang second runner-up na si Sky Teotico.

Ginawaran naman ang iba pang runners-up na pasok sa Top 5 ng P50,000 na sina Kim Andaya at Phao Faraon. Si Kim ang tumanggap ng Best in T-Boom Smile at si Phao naman ang Talumpating T-Boom Award.

Samantala, napunta ang Trending T-Boom award kay Nicky Escalderon para sa pagkakaroon ng pinakamaraming likes at followers sa kanyang social media accounts, samantalang ang Friendship Award naman ay binigay kay Yhael Basila.

Talaga namang sinubaybayan ng madlang people ang grand finals ng That’s My Tomboy matapos pumasok ang hashtag na #ThatsMyTomboyGrandFinals at Congrats Epey Herher sa listahan ng trending topic sa Twitter sa buong mundo.

Naging instant hit ang That’s My Tomboy nang ilunsad noong Oktubre 2013 at naging isa sa mga pinaka-inaabangang segment ng numero unong noontime show, kasama ang Stars on 45 at I Am PoGay, at pagkatapos ng Kalokalike.

 

APRIL MARIZ

BLESSED ARNOLD JANSSEN

BOOM

CONGRATS EPEY HERHER

EPEY

MY TOMBOY

PARA

SHOWTIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with