^

PSN Showbiz

Piolo at Toni matagal naghintay!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi aware ang marami na minsan ding nag­ka-interes ang “crush ng bayan’” singer-actor and movie producer na si Piolo Pascual sa singer-TV host-actress na si Toni Gonzaga nung ito’y bagong lipat pa lamang sa ABS-CBN galing GMA pero dahil nagsisimula pa lamang noon si Toni sa kanyang showbiz career at focused ang kanyang attention sa kanyang karera, hindi na ipinagpatuloy pa ni PJ (Piolo) kung anuman intention na meron siya at nanatili na lamang silang magkaibigan lalupa’t pareho silang Kapamilya at magkasama sa lingguhang musical show na ASAP.

Sina Piolo at Toni ay unang nagkasama sa isang TV commercial kung saan sumikat ang linyang “I love you, Piolo” in 2001.  Pero kahit magkasama na sila sa bakuran ng ABS-CBN ay ne­ver nagkaroon ng pagkakataon na pagsamahin silang dalawa sa isang teleserye at pelikula. Parehong wish nina Piolo at Toni na sila’y magkatrabaho (liban sa ASAP), pero hindi ito nangyari until duma­ting ang proyektong Starting Over Again, na isa sa pang-20th anniversary movie presentation ng Star Cinema. Nang mabasa ng award-winning writer-director na si Olive Lamasan ang istorya ng Starting Over Again, alam na niya kaagad na akma ang istorya sa tambalang Piolo at Toni, ang matagal ng movie project na inaasam ng dalawang bida.

Imagine, 13 years ang kanilang ipinaghintay para lamang maisakatuparan ang kanilang pa­nga­rap na magtambal either sa pelikula o sa pamamagitan ng isang te­leserye. Worth the wait naman ang unang tambalan nina Piolo at Toni dahil no less than Olive Lamasan ang kanilang director.

Sa mga behind the scene at full trailer pa lamang ng Starting Over Again ay nangangamoy blockbuster na naman ang bagong movie offering na ito ng Star Cinema. 

Ang nasabing pelikula ay reunion project bale nina Direk Olive at Piolo na huling nagkatrabaho 10 years ago sa pelikulang Milan na pinagtambalan nina Piolo at Claudine Barretto. Iza Calzado completes the love triangle with Piolo at Toni.

Julia pinu-push ng kapamilya

Siyam na taong gulang pa lamang noon si Julia Barretto nang siya’y magsimula sa showbiz at napasama siya sa mga TV project ng ABS-CBN na Ko­key at Palos pero hindi ito nagtuluy-tuloy dahil mas binigyan niya ng priority ang kanyang pag-aaral. When she turned 14, noon lamang na-realize ni Julia na gusto niyang ipagpatuloy ang showbiz career na si­ni­mulan ng kanyang estranged parents na sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto at ng kanyang mga tiyahing sina Gretchen at Claudine Barretto. She’s glad na bukas pa rin sa kanyang ang ABS-CBN who immediately signed her up to an exclusive build-up contract sa pamamagitan ng talent management arm ng TV network, ang Star Magic.

Julia is destined to be the next “big thing” sa ba­kuran ng ABS-CBN.

Hiwalay man ang kanyang mga magulang, Julia makes it a point na bukas ang kanyang komunikasyon sa kanyang ama na may bagong pamilya na rin ngayon.

Aktor na may kakaibang ugali at kasarian kaaway ng mga kasama

Build-up star ng isang TV station ang not so young bankable actor na ito pero ang ipinagtataka namin ay kung bakit sila pa mismo ang nagpapakalat tungkol sa tunay na kasarian ng kanilang alaga.

 Napag-alaman namin na marami rin palang insider ng TV network ang galit sa aktor na ito dahil sa pagiging taklesa. Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi maamin-amin ng nali-link na aktres sa kanya ang estado ng kanilang relasyon dahil wala naman talagang relasyon na dapat aminin at pag-usapan dahil hindi sila talo ng aktor.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

JULIA

KANYANG

OLIVE LAMASAN

PIOLO

SHY

STARTING OVER AGAIN

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with