Lolo ni Deniece pinanindigan na na-rape ang apo
PIK: Bukod sa ipinagluto ni Aljur Abrenica si Kylie Padilla nung nakaraang kaarawan ng young actress, may regalo pa siyang ibinigay na ikinatuwa ng huli.
Ayaw sabihin sa amin ni Kylie nung una kung ano ito pero alahas pala na itatago raw niya at gagamitin sa mga espesyal na okasyon.
Singsing ba ito? Tanong namin kina Kylie at Aljur? Umiling si Kylie. Pero may pahabol na hindi naman daw iyon engagement ring.
Seryoso na nga ang kanilang relasyon at nakikita naman naming tanggap na tanggap na si Aljur sa pamilya ni Kylie.
PAK: Sinagot ni Kris Aquino ang pahayag ni James Yap na matagal na niyang hindi nakikita ang kanilang anak na si James “Bimby†Yap, Jr.
Sabi ni Kris, puwede namang mag-exert ng effort si James kung talagang gustong makita ang kanilang anak.
Sa kaarawan nga raw ng cager sa Feb. 15 ay makakasama naman daw nito si Bimby.
Pero may nakarating sa amin na kuwentong sinadya raw ni James si Bimby nung nakaraang Pasko, at may kasama pa nga raw itong social worker, pero hindi sila pinapasok ni Kris. Totoo kaya ’yun?
BOOM: Ipinagtanggol na si Deniece Millinette Cornejo ng kanyang lolo na si Mr. Rod Cornejo na dating top executive ng GMA 7.
Nagsalita na ito at sinabi niyang naniniwala siya sa lahat na mga sinabi ng kanyang apo.
Nasasaktan lang daw siya at ang buong pamilya dahil nahusgahan agad sila.
Pahayag niya, “Sana maging reminder sa atin on both camps, ang nasa ninth commandment na ‘Thou shalt not bear false witness against your neighbor.’
“Kasi napakasama nun eh, sisiraan mo reputasyon ng isang tao. Parang pinatay mo na rin. Parang ninakaw mo ang kanyang dignidad, winasak mo, sinira mo.â€
Naibahagi rin ni Mr. Cornejo na nung araw na may nangyari kina Vhong at Deniece, naka-lunch pa raw niya ang dalaga. Hindi raw niya akalaing may nangyari kinagabihan.
Kaya raw pala kinabukasan, gustong makipag-usap si Deniece dahil magsusumbong pala ito nang nangyari sa kanya.
Sa pagkakakilala niya kay Deniece, naniniwala raw siyang totoo ang lahat na ikinuwento sa kanya.
- Latest