^

PSN Showbiz

Piolo single pa rin sa Valentine’s

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SCENE: Mawawala na ang Ikaw Na! segment ni Boy Abunda sa Bandila dahil sa Aquino and Abunda Tonight.

SEEN: Talamak pa rin ang pagpapalabas sa mga public bus ng pirated movies, both local and foreign.

SCENE: Hindi kumbinsido ang publiko sa pahayag ni Atty. Howard Calleja na posibleng tampered ang Closed-Circuit Television (CCTV) footages na inilabas ng National Bureau of Investigation (NBI).

Si Calleja ang abogado ni Deniece Millinette Cornejo, ang starlet na nagreklamo na ni-rape siya ni Vhong Navarro.

SEEN: Very visible si Iza Calzado noong Sabado dahil napanood siya sa It’s Showtime, sa life story niya na isinadula ng Maalaala Mo Kaya, at sa primer ng The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles.

Dumalo rin si Iza sa presscon ng Starting Over Again ng Star Cine­ma noong Sabado.

SCENE: Nag-taping na kahapon sa Palawan ng cast ng Dyesebel na pinangungunahan nina Anne Curtis, Sam Milby, at Ge­ rald Anderson.

SEEN: May statement si Piolo Pascual na single ito sa Valentine’s Day dahil wala siyang girlfriend. Mas nagiging emotional si Piolo tuwing Araw ng mga Puso kesa Pasko.

SCENE: Kamag-anak ni ABS-CBN President Charo Santos-Concio si Bryan Santos na gumanap bilang kaibigan ni Piolo Pascual sa Starting Over Again.

 

ANNE CURTIS

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

BIGGEST LOSER PINOY EDITION DOUBLES

BOY ABUNDA

BRYAN SANTOS

CLOSED-CIRCUIT TELEVISION

DENIECE MILLINETTE CORNEJO

PIOLO PASCUAL

STARTING OVER AGAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with