Fans ni Angel ‘pinatay’ si Marian
MANILA, Philippines - Parang bad joke ’yung ginawa ng fans ni Angel Locsin kay Marian Rivera. Imagine, inilagay sa casket si Marian na kalansay pa ang katawan. Pero ’yung mukha hindi nila ginalaw na ngayon ay nagkalat na sa Internet. Sana malaman ito ni Angel at nang mapagsabihan ang kanyang fans na parang over na ang ginagawa sa mga hindi nila idol. Okay na siraan pero ’yung ilagay sa kabaong ay kakaiba na.
Lately ay masipag ang fans ni Angel na mang-bash ng mga kinabubuwisitan nila kahit hindi kaaway ng kanilang idolo.
ABS-CBN broadcast head, kabilang sa ‘People of the year’
Kinilala bilang isa sa 14 People of the Year awardee ng People Asia Magazine ang ABS-CBN broadcast head na si Ms. Cory Vidanes para sa kanyang tagumpay na pamumuno sa ABS-CBN partikular na ang kanyang aktibong paglahok at pagsuporta sa public service campaign ng network.
“Sa kabila ng hirap, stress, sakripisyo, at kawalan namin ng tulog ay patuloy naming ginagawa ang aming trabaho sa ABS-CBN sa ngalan ng aming misyong mapaglingkuran ang bawat Pilipino saan man sa mundo,†sabi ni Vidanes sa paÂnaÂyam sa People Asia.
Binigyang pugay ng naturang magazine sa kanilang 14th anniversary issue kung paano mahusay na ginagampanan ni Vidanes ang kanyang tungkulin sa pinakamalaking media conglomerate sa bansa ng tahimik lang at hindi masyado kumukuha ng atensiyon sa publiko.
Bukod sa paglulunsad ng mga kampanÂyang nagpataas sa rating ng ABS-CBN, si Vidanes din ay tutok at nakikilahok sa public service projects ng kanyang kumpanya tulad na lang ng Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na campaign para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
“Pakiramdam ko nilagay ako rito ng Diyos dahil ito talaga ang silbi ko sa mundo. Hangga’t kaya kong makaantig o maka-inspire ng mga Pilipino sa aking sariling paraan at kakayahan ay mananatili ako sa ABS-CBN,†dagdag pa niya.
Kinilala rin sa listahan ang Kapamilya personalities na sina Coco Martin, para sa kanyang kontribusyon sa sining ng pag-arte sa pelikula at telebisyon, at si Miss World 2013 Megan Young, para sa pagiging kauna-unahang Pilipina na nagwagi sa Miss World title pagkatapos ng 62 taon.
Noong 2010, pinarangalan din bilang People of the Year ang presidente ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio bilang kauna-unahang babaeng presidente ng numero unong TV network sa bansa.
Ang People of the Year awards ay sinimulang igawad ng People Asia noong 2004. Layunin nito na kilalanin ang world-class Filipinos na tunay na ikinararangal ng bansa dahil sa kanilang mga nakamit at nagawa sa kanilang laranggan, advocacies, at naiambag sa lipunan.
- Latest