^

PSN Showbiz

Battered husband nag-emote sa magpakailanman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapag ang babae ay sinaktan ng kanyang mister, marami siyang maaa­ring lapitan: may clinic, may women’s desk, at may pamilya na puwedeng takbuhan para matigil ang karahasan. Ngunit paano kung ang lalaki na ang sinasaktan ng kanyang misis? Kanino siya lalapit?

At magagawa ba niyang aminin na isa siyang “Battered Husband?”

Paano kung malaki ang katawan niya kum­para sa balingkinitan niyang asawa?

Nakatatawang isipin, nakatatawang pano­orin—ngunit sa likod ng bawat halakhak ay may hinanakit na nababaon. Hanggang kailan ma­titiis ng isang la­laki ang pangmamaliit ng kanyang misis?

Sundan ang kuwento ng buhay ng mag-asa­wang “Eugene” at “Anna”, mula sa kanilang ligawan, sa mabilisan nilang pagpapakasal, at alamin kung pa­ano nauwi ang kanilang matamis na samahan sa kakaibang sakitan.

At alamin kung ang kanilang pagsasama ba ay matatapos sa happily ever after, o kung mapuputol ba ang kanilang ‘til death do us part.

Ngayong Sabado, panoorin sina Kris Bernal at Rodjun Cruz sa ka­nilang una at pinakakaibang pagtatambal sa episode na pinamagatang Sa Kamay ni Misis, sa panulat ni Agnes Uligan, sa pa­nanaliksik nina Ka­ren Lustica at Stanley Pabilona; at sa ilalim ng direksyon ni Argel Joseph. Kasama rin sina Phillip Salvador, Steven Silva at Lani Mercado.

Sa Kamay ni Misis ang unang offering ng Magpakailanman ngayong buwan ng mga puso. Abangan ang episode ngayong dara­ting na February 1, Sabado ng gabi, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7.

AGNES ULIGAN

ARGEL JOSEPH

BATTERED HUSBAND

DADDY KO

KRIS BERNAL

LANI MERCADO

MISIS

SA KAMAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with