^

PSN Showbiz

Robert de Niro madadalas ang dalaw sa bansa!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Alam mo, Salve A., hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang pinalagpas kong pagkakataon na makita in flesh and up close ang Hollywood le­gend na si Robert de Niro na hindi lamang special VIP guest sa formal announcement ng pagtatayo ng Nobu Hotel–Manila na matatagpuan sa tinaguriang City of Dreams along Manila Bay malapit sa SM Mall of Asia, kundi bilang isa sa mga business partner ng world-renowned business tycoon na si Chef Nobuyuki (Nobu) Matsuhisa, may-ari ng chain of restaurants and hotels sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang international grand event ay ginanap sa Manila Museum sa Rizal Park, Manila City nung nakaraang Lunes (Jan. 27) ng tanghali na dinaluhan din ng iba’t ibang kilalang personalidad at media mula sa Pilipinas at ibang bansa.

Ang Toki, ang kilalang Ja­­panese restaurant na ma­ta­tagpuan sa Bonifacio Glo­bal City sa Taguig City, ang napili ng Nobu at interna­tional organizers ng event na BlueCurrent Hong Kong at Fleishman-Hillard (Hong Kong) para mag-handle ng food and catering service sa tulong ng Nobu corporate chef from Las Vegas, Nevada, Nobu chef from Tokyo, at Nobu chef from Hong Kong at Nobu restaurant manager from Hawaii na lahat lumipad ng Pilipinas para lamang makuha ang international quality ng food and service sa tulong na rin ng chef ng Toki na si Chef Takayuki Takahashi kasama ang  staff ng nasabing Japanese restaurant. It was such a big honor for Toki na mapili sa dinami-dami ng mga kilalang Japanese restaurants in Metro Manila.

Bilang bahagi ng Toki Japanese restaurant, nagkaroon kami ng pagkakataon na makilala at maka-deal ang ilang top executives ng Nobu, ang vice president na si Kitty Lee ng Fleishman-Hillard (Hong Kong) at ang BlueCurrent Hong kong senior vice president na si Chris Plowman who was on top in organizing the event in Manila. Chris and the rest of the team were all level and cool-headed people na hindi kinakitaan ng stress at pagkataranta from day one ng preparation hanggang sa araw ng major event in Manila.

Ang aktor ay hindi lamang special guest sa nasabing event kundi isa siya sa business partner ng itatayong Nobu Hotel–Manila sa City of Dreams sa may Manila Bay sometime within the year. Bukod kay De Niro at Chef Nobu, isa ring business partner ang Hollywood producer na si Meir Teper na personal naman naming nakadaupang palad nang mag-dinner sila sa Toki last Tuesday (Jan. 28) evening kasama ang business tycoon at celebrity chef na si Nobu mismo at isang Japanese executive. Ang buong akala namin ay makakasama nila sa dinner si Robert de Niro pero agad daw itong bumalik ng Amerika the following day after the event in Manila.

Ang nakakatuwa, Salve A., hindi man namin nakita in person si Robert de Niro, malaking karangalan naman para sa amin ang makadaupang-palad si Chef Nobu at ang business partner nitong Hollywood producer na si Meir na personal pang dumayo sa Toki para mag-dinner doon.

August this year ang target launch at pagbubukas ng hotel at tiyak na babalik sa ating bansa ang Hollywood icon na si Robert de Niro dahil isa siya sa mga may-ari nito.

CHEF

CHEF NOBU

HONG KONG

MANILA

MANILA BAY

NIRO

NOBU

NOBU HOTEL

TOKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with