Mga taga-showbiz magpapa-misa para sa katarungan kay Vhong
PIK: Puspusan na ang pagsasanay ni Louise delos Reyes sa paglangoy bilang paghahanda sa telefantasya niyang Kambal Sirena.
Aminado ang young actress na hindi talaga siya marunong lumangoy, pero ngayon ay natuto na raw siya at kaya na nga raw niyang sumirko-sirko sa ilalim ng tubig.
Pero inaayos pa ang sirena costume ni Louise at ang location ng para sa mga sirena kaya medyo matagalan pa raw.
Sa ngayon ay naka-focus muna siya sa promo ng pelikulang Basement ng GMA Films.
PAK: Pati si Maricel Soriano ay sinubukang pagbatiin sina Heart Evangelista at Marian RiÂvera pero hindi naman nangyari.
Nagkasabay mag-guest sina Maricel at Marian, at alam pala niya ang isyu ng Kapuso Primetime Queen kay Heart.
Nang magkita sa loob ng studio sina Heart at Maria, kinausap ng Diamond star si Heart na magkaayos na sila ni Marian. Sabi naman ni Heart, hindi raw talaga sila friends ni Marian, pero wala naman daw problema sa kanilang dalawa.
Nang isinalang na si Marian sa Startalk, hindi pa rin sila nagkibuan at hindi naman natuloy ang pagbabati.
BOOM: As of presstime, pinag-uusapan ang pamisa para kay Vhong Navarro.
Gagawin ito sa Thursday ng tanghali, sa Annabel’s restaurant.
Hindi ito para sa mga taga-ABS-CBN 2 lang kundi bukas ito sa lahat na network.
Inaasahang makakadalo ang mga taga-showbiz para magpahayag ng suporta at pagkondena sa ginawang pambubugbog kay Vhong,
Kailangan daw ng suporta mula sa mga taga-movie and TV industry para kay Vhong na malagpasan niya ito at mabigyan ito ng hustisya.
- Latest