Sen. Bong wala nang takot sa mangyayari! Kahit nakaratay na sa hospital: Vhong binabantaan pa rin
PIK: Hindi na natatakot si Sen. Bong Revilla, Jr. sa mga susunod na mangyayari pagkatapos niyang magpasabog sa kanyang privilege speech nung nakaraang Lunes.
Mukhang may susunod pang sasabihin si Sen. Bong at muli itong magsasalita sa Senado sa mga susunod na mga araw.
“Hindi ko na iniisip kung may maniniwala o hindi sa akin. Ang importante nasabi ko na ang gusto kong sabihin na matagal ko nang kinikimkim,†pahayag ni Sen. Bong.
Balik-taping na si Sen. Bong sa Kap’s Amazing Stories na mapapanood tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng 24 Oras Weekend na nasa episode 9 na ng Stan Lee’s Superhumans Season 2.
PAK: Kini-claim ng isang writer ng isang malaking TV network na na-book niya ang isang morenong aktor sa halagang P20,000 lang.
Tumaas ang kilay namin dahil parang inimbento lamang nitong writer, o kathang-isip lamang niya bilang isa siyang manunulat.
Ang narinig kasi namin, halagang P120,000 ang pinatulan ni morenong aktor mula sa isang mayamang bading na negosÂyante.
Pagkatapos ng isang gabing booking na iyon, nagbakasyon daw si morenong aktor sa isang Asian country kasama ang buong pamilya.
BOOM: Ang daming naglalabasang kuwento tungkol sa pagkakabugbog kay Vhong Navarro dahil marami pang mga katanungan tungkol sa naturang insidente na hindi pa ito nasagot ng comedian-TV host.
Nakatakdang operahan si Vhong bukas at sabi ni Direk Chito Roño, manager ng aktor, hindi pa nila mabibigay ang buong deÂtalye dahil iniimbestigahan pa ang naturang kaso.
Pero matatagalan pa raw makabalik si Vhong dahil sa malalang pinsalang natamo nito sanhi nang pagkabugbog sa kanya.
Ang masama lang, may mga threat pa rin daw sa alaga ni Direk Chito kaya nag-iingat pa rin ito.
Patuloy pa rin ang pagdarasal ng mga kaibigan ni Vhong na malagpasan niya itong pinagdadaanan niya ngayon.
- Latest