^

PSN Showbiz

Survey hindi credible, ‘di padat paniwalaan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Paboritong basahin ng mga Pinoy ang Pilipino Star NGAYON pero iba-iba ang tawag nila sa mor­ning tabloid na bahagi na ng kanilang araw-araw na pamumuhay. Marami akong kakilala na hindi kum­pleto ang araw kapag hindi nila nababasa ang Pilipino Star NGAYON na tinatawag na PSN, PS Ngayon, NGAYON at  minsan, Pilipino Star lang.

Hindi lamang sa kalsada mabenta ang PSN dahil libu-libo rin ang hits nito sa online. Ang ibig sabihin, binabasa ang PSN ng mga Pilipino na nasa ibang bansa. Ang PSN ang isa sa kanilang mga pinagkakatiwalaan, pagdating sa mga balita na totoo at hindi imbento.

Ang dami-dami kong natatanggap na emails mula sa readers mula sa iba’t ibang panig ng Pili­pinas at ng mundo. Ang bilis mag-react ng mga artista, pulitiko (na hindi ko na lang ba­bang­gitin ang mga pangalan) at readers sa mga showbiz news ko kaya alam ko na marami ang tumatangkilik sa PSN.

Sinasabi ko ito dahil sa survey na lumabas tung­kol sa mga diyaryo na pinagkakatiwalaan ng mam­babasa. Kasama ang PSN sa  Top 3 tabloids pero hindi pa rin credible ang mga survey dahil para sa akin, ang Pilipino Star NGAYON ang numero uno ‘no! ‘Yun lang!

Vhong Navarro binugbog, matindi ang tama!

Kumalat kahapon ang balita na naka-confine sa ospital si Vhong Navarro dahil bugbog-sarado siya.

Isang insider ang nag-confirm na nabugbog nga raw si Vhong ng isang grupo matapos siyang imbitahin ng isang babae sa isang condo building sa BGC.

Baka raw maoperahan pa si Vhong sa tindi ng pinsala sa pambubugbog.

Iniisip ko na tawagan si Chito Roño dahil siya ang manager ni Vhong. Sure ako na alam na ni Chito ang puno’t dulo ng pananakit na ginawa kay Vhong noong Huwebes ng gabi.

Startalk wala na ngayong sabado, bukas na mapapanood

Ngayon ang unang Sabado na hindi mapapanood ang Startalk dahil inilipat ito sa araw ng Linggo.

Naninibago pa ako sa pagpapalit ng araw ng aming show pero kailangan nang masanay ako na lu­ma­labas ng bahay tuwing Linggo. Para akong may jetlag na nag-a-adjust sa oras para maging normal uli ang pagtulog ko.

Live guests namin bukas sina Marian Rivera, Jennylyn Mercado at Mark Herras. Sasagutin ng tatlo ang mga isyu na kinasasangkutan nila, sabay promote sa kanilang mga teleserye sa GMA 7 na magsisimula sa Lunes, ang Carmela, Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw at Rhodora X.

Co-host namin si Heart Evangelista kaya kaabang-abang ang pagtatagpo nila ni Marian sa studio ng Startalk. Magbatian kaya sila o dedma lang?

Gov. Vi Lumuwas para kay Chairman Toto

Si Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang special guest sa birthday celebration ni MTRCB Chairman Toto Villareal noong Miyerkules, January 22.

Tuwang-tuwa si Papa Toto sa pagdating ni Mama Vi. Malaking karangalan na lumuwas pa si Mama Vi mula sa Batangas para ma-greet ng personal  ang pinuno ng MTRCB.

Hindi lamang si Mama Vi ang special guests ni Papa Toto dahil umapir din sa MTRCB office sina Judy Ann Santos, Ara Mina at marami pang iba. Si Gladys Reyes naman ang host ng birthday prog­ram. Happy birthday uli Chairman Toto!

CHAIRMAN TOTO

MAMA VI

PAPA TOTO

PILIPINO STAR

SHY

STARTALK

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with