^

PSN Showbiz

Justin Bieber umaming humithit ng marijuana

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang teen pop star Justin Bieber matapos lumampas sa speed limit sa Miami, Florida.

Matapos mahuli ay napag-alamanan na nakainom pa pala ang 19-anyos na singer nang manehuhin ang dilaw na Lamborghin bandang 4:09 ng madaling araw.

Kalaunan ay inamin ng Canadian-native na bukod sa nakainom siya ay humithit din siya ng marijuana, ayon sa mga pulis.

Sinampahan ng kasong driving under the influence (DUI), driving with an expired license at resisting arrest without violence ang Youtube sensation.

Base sa imbestigasyon ay humarurot ng 88 kilometers per hour hanggang 96 kph si Bieber sa kalsadang may speed limit na 48 kph.

Bumagsak din si Bieber sa sobriety test bago dinala sa Miami Beach police station para sa Breathalyzer.

Base sa batas ng Florida maaring makulong ng hanggang anim na buwan ang mahuhuling nagmamaneho ng DUI at magmumulta ng $250 hanggang $500 bukod pa sa 50 oras na communit service.

Nitong Disyembre ay bumisita sa bansa si Bieber nang pasikreto upang magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Naghatid ng saya ang international singer at nakuha pang makipaglaro ng basketball sa mga taga Tacloban City.

ARESTADO

BIEBER

BREATHALYZER

BUMAGSAK

JUSTIN BIEBER

KALAUNAN

LAMBORGHIN

MIAMI BEACH

NITONG DISYEMBRE

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with