^

PSN Showbiz

Sports + Action ng Kapamilya nasa Channel 23 na

Marice Isidro - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumilis ang daloy ng dugo ng lahat ng Ka­pamilya sports fans simula noong Sabado (January 18) sa paglunsad ng ABS-CBN Sports + Action, ang pinaka­bagong channel ng ABS-CBN na tumututok ngayon sa mga maaksiyong local at international sporting events.

Handog ng ABS-CBN sa layuning In TheService Of The Filipino ang isang free-to-air television channel para sa mga Kapamil­yang hindi lang nanonood at humahanga, ngunit sumusuri, at nakikilahok din sa iba’t ibang uri ng sports. Nagtulong-tulong ang ABS-CBN Sports+Action, cable TV, pay-per-view at digital platforms ng ABS-CBN sa paglunsad ng pinakabagong sports destination para sa mga Pinoy sports fans.

Magpapatuloy sa ABS-CBN Sports+Action ang cove­rage ng collegiate teams ng UAAP, ang highest-ranked Southeast Asian na Azkals, ng kampeonadong si Nonito Donaire ng Top Rank at ng laban ng mga boksingero ng ALA Boxing sa “Pinoy Pride” at sa kanilang pakikipagbakbakan nang buong puso at determinasyon.

Abangan rin ang mga special coverage sa mga court ng National Basketball Association (NBA), mga octagon ng Ultimate Fighting Championship (UFC) at football fields ng 2014 Fédération Internationale de Football Association (FIFA) World Cup tampok ang mga iniidolong atleta sa buong mundo.

Subaybayan naman ang News + kasama si Anthony “Tunying” Taber­na na magbabahagi sa atin ng current affairs kung saan ipapa-intindi niya ang kahalagahan ng mga ito sa pang-araw-araw na buhay. Iuulat naman ni TJ Manotoc sa The Score, ang bagong 15-minutong programa nang makabuluhang balita sa mundo ng sports.

Para naman sa mga mahilig sa action, dagdag pasabog pa ang mga hindi malilimutang pelikula ni Fernando Poe Jr., ang King Of Philippine Movies sa  FPJ: Hari ng Aksyon. Ipinakikilala rin ng ABS-CBN Sports + Action ang mga pa­nibagong shows na The Ultimate Fighter: China at Zero Hours kasabay ng mga ma­nunumbalik na ser­yeng CSI, NCIS, Once Upon a Time, at WWE.

Ang ABS-CBN Sports + Action sa Channel 23 ay kasalukuyang nang umaaksiyon.

ABS

CBN

FERNANDO POE JR.

FOOTBALL ASSOCIATION

SHY

SPORTS

SPORTS + ACTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with