^

PSN Showbiz

Prinsesa... hanggang bukas na lang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pagtatapos ng Prinsesa ng Buhay Ko, mang­­hihingi ng 10 Million si Big Boss kay Luis (Renz Fernandez). Ipaparating ito ni Luis kay Ro­bert­o (Emilio Garcia) at mag-aalala ito para sa anak. Makakarating na rin ang balita kina Alicia at ipa­pangako ni Luis sa kanila na gagawin lahat nila ang paraan para maligtas sina Cess (Kris Bernal). Ha­bang sina Cess at Nick (Aljur Abrenica) parang aso at pusa pa rin. Subalit sa huli magkaka-ayos din sila at mas lalo pang titindi ang pagmamahalan nila sa isa’t isa. Makakausap na rin sa wakas ni Big Boss si Roberto at handang magbayad si Roberto ng 10 million kapalit nila Nick at Cess.

Sasabihin na ni Big Boss kay Roberto ang mga dapat nilang gawin para walang masamang mangyari kina Cess at Nick! Mapapaisip naman si Tess at maalala niya sina Don Johnny. Kaya susugod siya sa bahay nila at hahanapin ang anak niya. At tama nga ang hinala ni Tess, dahil mapakikinggan ni Nick ang usapan nila Big Boss at Don Johnny. Magkasab­wat nga silang dalawa! Malalaman ngayon nila ni Cess na may utang pala itong si Don Johnny kay Big Boss.

Makakarating din kay Trina ang problema ng mga Grande at isa-suggest niya kay Luis na kumuha sila ng Special Task force para tulungan sila.

Pupunta na sila Roberto at Luis kasama ang Special Task Force para iligtas sina Cess at Nick. Sa isang banda, susubukan rin nila Cess at Nick na tumakas pero mahuhuli ni Big Boss si Cess!

Mapapatili si Cess at maririnig iyon nila Luis sa labas! Makaligtas pa kaya silang dalawa?

Noong una, magmamakaawa pa si Nick kay Big Boss na pakawalan niya si Cess pero magmamatigas ito. Kaso magagawa rin ni Cess na makawala kay Big Boss at susubukan ni Nick na agawin ang baril kay Big Boss. Sa labas maririnig nila Luis ang putok ng baril at mag-aalala sila. Maging sa bahay nila Eliza, alalang-alala din sila ni Tess. Mag-aaway pa sila pero dahil kay Trina, magkakaayos na rin sina Eliza at Tess. Papasukin na rin ng Special Task Force ang bahay at mahuhuli na nila si Big Boss. Ligtas na makakauwi sina Cess at Nick. At wala ng makakapigil pa sa kasal nilang dalawa!

vuukle comment

BIG

BIG BOSS

BOSS

CESS

DON JOHNNY

KAY

LUIS

NICK

NILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with