Phil Younghusband haggard-looking!, Richard hindi nakarating sa party nila ni Raymond
SEEN: Dateless si Phil Younghusband sa 30th birthday party ni Raymond Gutierrez sa 71 Gramercy noong Martes. Haggard-looking at walang ningning si Phil.
SCENE : Trying hard na magpaseksi si Carla Humphries sa kanyang manipis na white gown na may illusion na wala siyang suot na panty sa party ni Raymond Gutierrez.
SEEN: Ang photo op nina Vice Ganda at Eat Bulaga executive Malou Choa-Fagar sa birthday party ni Raymond.
SCENE: Hindi nakarating si Richard Gutierrez sa birthday party nila ni Raymond dahil nagbabakasyon pa sila ni Sarah Lahbati sa Paris.
Ang Eiffel Tower ang background ng romantic kissing photo nina Sarah at Richard.
SEEN: Ang horror movie na Basement ang itatapat ng GMA Films sa Starting Over Again ng Star Cinema.
Ipalalabas sa mga sinehan sa February 12 ang Basement at Starting Over Again.
SCENE: Mga bida sa Starting Over Again sina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, at Iza Calzado.
Mga artista ng Basement sina Kristoffer Martin, Dion Ignacio, Sarah Lahbati, Enzo Pineda, Louise delos Reyes, at Chynna Ortaleza.
SEEN: Nagbakasyon lang at hindi nawala ang justification ni Joey Marquez sa pagbabalik niya sa GMA 7.
Kasali si Joey sa early primetime drama series ng GMA 7, ang Ang Paraiso Ko’y Ikaw.
SCENE: May gigil factor si Angel Locsin sa The Legal Wife. Gigil na gigil si Marvin Agustin sa papel na ginagampanan niya sa Obsession. Niligawan ni Marvin si Angel nang magkasama sila noong 2007 sa Asian Treasures ng GMA 7.
- Latest