^

PSN Showbiz

Matapos ang hindi parehas na opinyon, Karen biglang iniimbita si Bong!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hay nako, iniimbitahan ni Karen Davila si Senator Bong Revilla, Jr. na mag-guest sa kanyang show sa ANC, pagkatapos magbitaw ng mga negative opinion, kahit hindi niya napanood ang privilege speech ni Bong sa senado noong Lunes.

Bakit hindi na lang ako ang imbitahan ni Karen dahil sasagutin ko ang lahat ng kanyang mga ta­nong, pati na ang kanyang hindi parehas na pagbibi­gay ng opinyon?

Maipapangako ko kay Karen na hindi na mauulit ang nangyari noong interbyuhin niya si Susan Roces habang nakaburol si Kuya Ronnie Poe sa Sto. Do­mingo Church. Ibang mga salita ang maririnig niya mula sa akin. Mga salita na pambalanse sa kan­yang hindi patas na opinyon tungkol sa privilege speech ni Bong.

Malinaw na malinaw pa sa memorya ko ang sa­got ni Ma­nang Inday nang magtanong si Karen tungkol sa ka­suotan ni Kuya Ron. Ang sagot ni Ma­nang Inday, “Ayan siya, bakit ‘di siya ang tanu­ngin mo?”

Muntik na akong matumba nang marinig ko ang dialogue ni Manang Inday kay Karen na nag-uulat sa radyo nang  hindi alam ang puno’t dulo ng isyu.

Sen. Grace hindi nagkamali kay MTRCB Chief Toto

Pumunta ako sa Movie and Television Review and  Classification Board o MTRCB office noong Martes para personal na batiin ng happy birthday si MTRCB Chair Toto Villareal.

Nakita ko na well-loved si Papa Toto dahil sa ra­mi ng mga nag-greet sa kanya ng maligayang ka­arawan.

Satisfied ang mga empleyado ng MTRCB sa magandang pamamalakad ni Papa Toto na pumalit kay Senator Grace Poe-Llamanzares nang magpasya ito na kumandidato bilang senador.

Hindi nagkamali si Mama Grace sa rekomendasyon niya kay Papa Toto dahil ginagawa nito ang lahat para maipatupad ang mga batas ng MTRCB.

Janno maaga nang dumating

Kasama pala si Janno Gibbs sa Paraiso Ko’y Ikaw. Nagulat ang  mga reporter dahil early bird si Janno sa presscon ng teleserye na pinagbibidahan nina Kim Rodriguez at Kristoffer Martin.

Hindi ko pa alam ang role ni Janno sa Paraiso Ko’y Ikaw. Basta ang alam ko, mala-Blue Lagoon ang kuwento ng project. Ang Blue Lagoon ang sikat na pelikula ni Brooke Shields noong dekada ’80. Seksing-seksi ang mga eksena ni Brooke at ng kanyang leading man na si Christopher Atkins sa The Blue Lagoon. Ewan ko lang kung magpapaseksi rin sina Kim at Kristoffer sa Paraiso Ko’y Ikaw.

Boyet no show sa presscon ng Legal...

Hindi nakadalo si Christopher de Leon sa presscon ng The Legal Wife noong Biyernes. Hindi pa kami nagkakausap ni Boyet kaya hindi ko pa alam ang reason ng no-show niya sa presscon ng bagong tele­serye ng ABS-CBN.

Isa lang ang masasabi ko, maganda ang role ni Boyet sa The Legal Wife at mga award-winning stars ang katrabaho niya. Sina Rory Quintos at Dado Lomibao ang mga direktor ng The Legal Wife.

Yasmien nagmukhang bata

Marami ang nagandahan kay Yasmien Kurdi sa presscon ng Rhodora X dahil malaki na ang ipinayat niya.

Ang magandang mukha ang asset ni Yasmien dahil kahit tumaba siya noon, hindi lumobo ang kanyang  mukha.

Mahihiya ang ibang mga aktres kapag nalaman nila kung sino ang mga sikat na  aktor na nanligaw noon kay Yasmien pero dinedma nito. Hindi ko na iisa-isahin ang pangalan ng mga aktor na binigo ni Yasmien bilang respeto sa kanyang mister na si Rey Soldevilla Jr.

Ang mahalaga, hindi nagkamali si Yasmien sa pagpili ng mhin na pakakasalan. Responsible husband at daddy si Rey na pang-showbiz din ang height at ang itsura.

BLUE LAGOON

BOYET

LEGAL WIFE

PAPA TOTO

PARAISO KO

SHY

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with