^

PSN Showbiz

Ogie may kontrata pang hindi napipirmahan sa TV5, anak sa Australia nagta-trabahong food server

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa pala nakakapirma ng kontrata kaya hindi pa nakakaupong head ng music department ng TV5 si Ogie Alcasid. Yup, as in para lang sa mga programa niya ang napipirmahan niya. Kaya nga, wala pa siyang say sa mga theme song or kahit musical shows ng network ni Mr. Manny Pangilinan.

Ang pagiging head ng music department ng Singko ang sinasabing rason noon nang paglipat ni Ogie ng network, from GMA 7. Kaya nga hindi pa siya nag-o-office. Pero very positive siya na any moment, pipirma rin naman siya. Ang alam ni Ogie, inaayos na ang kontrata.

Nabanggit din ni Ogie kahapon, sa presscon para sa concert niyang Samahang Walang Ka-Valentine, sa Music Museum sa February 13, 14, at 15 na tuloy na uli ang programa nila ni Megastar Sharon Cuneta.

 â€œYes, nagkaroon lang talaga ng miscommunication,” sagot niya tungkol sa naudlot nilang taping matapos silang magmadaling bumalik ng bansa para sana sa taping. Kaso pagda­ting nila, kanselado pala at replay ang ipinalalabas. Ngayon ay magti-taping na uli sila.

Eh ‘yung The Gifted? May pag-asa pa bang ipalabas? Hold daw temporarily dahil malungkot ang kuwento. “Mas gusto nila ‘yung magaan. Parang sa Madam Chairman na natatawa lang ang mga nanonood,” sabi ng original na Boy Pik Up sa naudlot nilang teleserye kung saan nakapag-taping na sila for almost two weeks na episode.

Pero nasimulan na naman niya ang Confessions of a Torpe na papalit sa Madam Chairman na bida si Mega. Makakasama niya sa Confessions of a Torpe sina Alice Dixson, Gelli de Belen, Bayani Agbayani among others na dinidirek ni Soxy Topacio.

Bukod dito meron, din siyang Tropa Mo Ko Unli.

Eh kumusta naman ang mga anak niya sa Australia na sina Leila and Sarah na nakasama nila nina Regine and Nate last New Year? Isang linggo silang nag-stay sa Australia.

Si Leila may boyfriend na nung umpisa ay nawe-weirdohan siya. “Kasi ‘di ba parang baby ko pa siya,” malungkot na sabi ni Mr. Songwriter.

“I met the guy na. Mabait siya, very nice guy,” banggit ni Ogie kahapon.

May part time job na rin si Leila, food server, sa Australia.

Nagpa-plano rin sina Ogie at Regine na magbakasyon sa London sa April pero 80th birthday ng dad niya kaya hindi pa nila sure kung ipu-push nila ang bakasyon. In case na hindi matuloy, sa Australia na lang sila pupunta.

Going back to Ogie’s concert, Samahang Walang Ka-Valentine. Eh bakit naman ito ang naisip niyang concept ng concert? “Base sa survey ng research team ko, may market ang  ganitong concert. “Kasi maraming walang ka-valentine. Nagpa-survey kami,” sabi niya.

Magiging guest niya sina Solenn Heussaff at Lara Maigue.

Game nga pala si Ogie nang biruin siya tungkol kay Solenn at sa boyfriend nitong Argentinian? Aminado siya dati na crush niya si Solenn.

“Parang hindi tao ang katawan niya (referring sa katawan ng BF ni Solenn na si Nico Balzico),” sabay tawa ni Ogie.

ALICE DIXSON

BAYANI AGBAYANI

BOY PIK UP

MADAM CHAIRMAN

NIYA

OGIE

SAMAHANG WALANG KA-VALENTINE

SIYA

SOLENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with