Sa rami ng manliligaw, walang matipuhan Jessy si JC De Vera ang type maging BF!
Kung bakit naman sa dinami-dami ng mga manliligaw sa kanya ay ang bagong Kapamilya star na si JC de Vera ang napili ni Jessy Mendiola na eskortan siya sa despedida party ng manager nito. Puwede namang pakiusapan niya ang sinuman kina Sam Milby, Jake Cuenca, at Teng Brothers na samahan siya pero ang hindi naman nanliligaw sa kanya at bagong recruit ng ABS-CBN mula sa TV5 ang pinili niyang samahan siya. Siyempre magkakaroon ng espekulasyon, lalo na nang may mga lumabas na larawan nila na magkasama.
Agad nag-react si JC sa pamamagitan nang pagsasabi na pagiging maÂginoo lamang on his part na pagbigyan ang kahilingan ni Jessy na samahan niya ito. ’Yun nga lang dahil wala siyang kakilala sa nasabing party kung kaya nag-stick siya close to Jessy na ikinagulat ng lahat ng mga dinatnan nila dahil never siyang nakasama sa mahabang listahan ng mga manliligaw ni Maria MerÂcedes. Mas ikinagitla pa ng marami nang sabihin ng ligawing aktres na open siya sa posibilidad na magkaroon sila ng romansa ng aktor.
Ito ay nang matanong siya kung may relasyon ba sila ni JC na itinanggi nito agad-agad. ’Yun nga lang may dagdag na salita sa denial niya na ikinabigla ng lahat.
Kylie nasobrahan ng trabaho, sa hospital ang bagsak
Isinugod si Kylie Padilla kamakailan sa ospital dahil sa sobrang pananakit ng katawan. Wala namang dapat ikapangamba sa kalagayan ng anak ni Robin Padilla. Kinakailangan lamang ang pamamahinga para rito. Nitong mga nakaraang araw ay sinaÂgad nito ang sarili sa sobrang pagtatrabaho. Katulad ng kanyang karakter na si Ada sa Adarna na matapang at handang gawin ang lahat para sa kanyang mga mahal sa buhay ganun din si Kylie sa kanyang paÂmilÂya at fans.
Kahit sunud-sunod ang taping ng Adarna ay nagawa pa rin ni Kylie na pumunta ng Cagayan de Oro City at Marilao, Bulacan para pasalamatan ang manonood ng kanyang serye. Pagbalik na pagbalik niya ng Maynila ay nagkaroon naman siya ng bonÂding with her siblings. Ngayon, magtataka pa ba kayo kung bakit lumanding siya sa St. Luke’s sa The Fort, Taguig City?
Hindi naman dapat kabahan ang mga tagasubaybay ng aktres sa nangyari. Ayon sa manager nito na si Betchay Vidanes ay madali lamang makaka-recover ang alaga niya. Kailangan lamang ay matuto ito ng leksiyon sa nangyari sa kanya. She should take things easy and learn to enjoy her life.
- Latest