Juday, napiling host ng reality show ng mga gustong magpakasal
MANILA, Philippines - Pangungunahan ng multi-awarded actress at TV personality na si Judy Ann Santos-Agoncillo ang pinakabagong reality show ng ABS-CBN na I Do kung saan tampok ang mga kalahok na magkasintahan na handa o nais nang magpakasal.
Pinangunahan ni Juday ang ribbon-cutting cereÂmony, blessing, at tour sa I Do village kung saan titira ang mga kalahok upang subukin ang tatag ng kanilang samahan bago humarap sa altar.
“Ang village na ito, ginawa talaga for this show. Maraming challenges hindi para paghiwalayin ang couples, kundi para pagtibayin pa ang relationship nila at maging mas mature pa sila sa pag-atake sa buhay,†pahayag ni Juday.
Umaasa si Juday na magiging malaking gabay ang programang I Do sa couples na nais magpaÂkasal at magtaguyod ng sariling pamilya sa pamamagitan ng pagpaparanas sa kanila ng mga sitwasyong dapat nilang paghandaan bago sila magkatuluyan o magpakasal.
Masusubaybayan ng publiko ang kanilang pagsasama dahil may mga kamerang nakatutok sa kanila 24/7.
“Ito pa lang ang gagawin kong show na mala- Pinoy Big Brother, pero PBB times five. Tatalakayin dito ang lahat – ang pagkakaroon ng anak, pagtira kasama ang biyenan, mga gastusin sa bahay. Sana ma-inspire namin ang mga magkasintahan na ang pagpapakasal, habangbuhay ‘yan na kailangan niyong panindigan,†ani Juday.
Bukod sa pagiging host, tatayo rin si Juday na miyembro ng council ng programa bilang isang maybahay, kasama ang ilang love at family experts na magbibigay ng payo sa mga magkasintahang kalahok.
“Nakaka-tense kasi maglilimang taon pa naman akong kasal, so parang masusubukan ang powers ko sa pagbibigay ng payo at pag-share ng expeÂrienÂces ko. Nakakatuwa na pinagkatiwalaan ako ng ganitong klaseng show na wala pa talagang nakaÂkagawa,†sabi ni Juday.
Magandang simula ang maghihintay para sa magwawagi sa reality show dahil bukod sa mapapanalunang grand wedding, makakakuha rin sila ng honeymoon package, bagong sasakyan, house and lot, at P1 milyon.
Napatunayan na ni Juday ang pagiging isang maÂhusay na host nang pangunahan ang Junior MasterChef Pinoy Edition pati na ang MasterChef Pinoy Edition at siya rin ang kasalukuyang host ng top-rating game show na Bet On Your Baby na malapit sa kanyang puso bilang isang ina.
Magsasakang hirap bumasa at sumulat yumaman sa juice at Nata de Coco
Hirap sa pagbasa at pagsulat ang 66 taong gulang, dating magsasaka, at ngayo’y milyonaryo nang si Quirino Cruz. Hanggang Grade 4 lang ang kanyang tinapos ngunit sa kabila ng kanyang kaÂkulangan sa pormal na edukasyon, nagawa pa rin niyang palakihin ang kanyang negosyo.
Bukas, Jan. 22, sa My Puhunan, itatampok ni Karen Davila kung paano nagtagumpay at yumaman si Quirino mula sa paggawa ng mga fruit juice at nata de coco.
Sa kagustuhan niyang makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak, nagsimulang gumawa si Quirino sa paggawa ng mga fruit juice na pambata na may tatak na “Fresh Q†sa tulong ng hipag niyang chemist. Hindi naglaon ay dumami pa ang kanyang mga produkto tulad na lamang ng nata de frutas at mga sahog pang-halo-halo. Sila mismo ang gumagawa ng sarili nilang nata de coco na siyang ipinagmamalaki nila sa kanilang mga mamimili.
Sisilipin din ni Karen ang kakabukas lang na neÂgosÂyong bridal shop ni Kim Chiu na Adorata Weddings kasama ang kilalang fashion duo na sina Pepsi Herrera at Edwin Tan. Hindi pa man handa si Kim sa pagpapakasal, handa naman siyang tulungan ang mga bride-to-be sa pamamagitan ng kanilang magagandang ready-to-wear gowns.
Samantala, kikilalanin naman ni Doris Bigornia ngayon (Jan. 21) sa Mutya ng Masa ang ilan sa milyun-milyong debotong nakiisa sa Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo nitong buwan. Ano nga ba ang dahilan ng kanilang matinÂding debosyon sa Poon?
Kapuso Primetime Cinema malalaking Hollywood films ang ipalalabas!
Tampok ngayong huling linggo sa Kapuso Primetime Cinema ng GMA Network ang mga aksiyong pelikula.
Makapigil-hiningang mga eksena at aksiyon ang naghihintay sa mga Kapuso mamayang gabi (Jan. 21). Ihanda ang mga sarili sa isang gabi ng hiyawan at sigawan sa pelikulang The Grudge 3 na nagtatampok sa boses ni Jackie Rice bilang Lisa (Johanna Brady).
Handang-handa naman nang lipulin ni Christian Bale ang masasama at kriminal sa Gotham City sa Batman Begins na mapapanuod sa Miyerkules (Jan. 22) ng gabi.
Kabilang naman sa palabas na pambata ng GMA na Tropang Potchi, tampok ang boses ni Migs Cuaderno bilang si Damien sa horror classic film na The Omen sa Huwebes (Jan. 23).
Sa Biyernes naman (Jan. 24), sa direksiyon ni Paul Greengrass ay ibabalik niya ang sikat na karakter ni Robert Ludlum na si Jason Bourne sa pelikulang The Bourne Ultimatum. Bibigyang buhay ng boses ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang karakter ni Jason na ginampanan ni Matt Damon.
Ang Kapuso Primetime Cinema ay mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes ng gabi pagkatapos ng Adarna sa primetime block ng GMA.
- Latest